Saturday, April 25, 2009

Ako nga pala...

Magandang umaga, tanghali, hapon, gabi, madaling araw po sa inyo, anumang oras ninyu itong binabasa, nababati ko pa rin kayu diba????... Ako nga pala si Aran at ikaw , What’s your name, diba yan ang kadalasan nating tinatanung sa mga batang paslit pag kinakausap natin sila?, anung konek? Wala nman..makarelate lang, lubos-lubosin na natin ang aking pagpapakilala.. para nman protektahan ang aking privacy..as in privacy diba?, di ko na ibibigay ang aking buong pangalan…basta ipinanganak ako sa ospital, xempre galling ako sa sinapupunan ng aking mahal na ina, ako ang naging unang bunga ng matimyas(as in MATIMYAS) na pagmamahalan ng aking mga magulang, na nasundan pa ng tatlo kaya di bale apat kami, tatlong lalake at isang babae na xang sumunod sakin, at bilang patunay na babae nga ang kasunod ko merun akong buntot sa likuran as in likuran ha, hindi sa harapan, sa may buhok ko (baka kung anu isipin nyu jan ha?), kasabihan na kasi yun ng mga tanders diba, na pa gang lalake may buntot babae ang kasunod niya at vice-versa… (anung konek uli?..wala lng) na sinundan na ng dalawang maton na babae, laro at kung anek-anek pa ang trip sa buhay na I man lang gumaya sa kuya nila na napaka prim and proper (prim and proper daw oh??..kapal) di joke lang ako kasi nung nasa edad ako ng mga 16, wala akong mga ganyan aktibidades, ok lang nman yun kasi part yun ng tinatawag na adolescence period diba???..ayun..so apat nga kaming magkakapatid…pero ang sad part dun is yung mga parental advisory naman naming as in aming mga magulang ay di naming kapiling sa mga panahong ito..ewan naming kung nasan sila…later malalaman nyu ang details kung bakit sila nag-disappear..as in naglaho na parang bula..wag kayung maiiyak later ha..kasi according nga to the people who had already know my family background may pag ka MMK as in Maalaala Mo Kaya…Ang Tahanan Mo ang kwento ng lyf ko…xempre minsan naisip ko ring magsulat kay Tita Charing este Ms. Charo Santos-Concio, kaya lang kelangan ko pang mag-isip ng mas marubdob na mga eksena para nman pang award din ang lyf story ko…hahaha…. So yun na nga…di na namin knows wer location ng aming pader at mader…, nag-aral ako ng elementarya hanggang sekondarya sa aming probinsiya…where the world most perfect cone is located ang Kabikolan, but were not exactly residing where the Mayon is located, e kasi kund dun kami, di pag pumutok yun e di sabog-sabog na rin kami ng bonggang-bongga diba??? Gudlak na lang samin, sa may boundary kami ng Albay at Cam.Sur nakatira…den nung magkolehiyo na me ditto na ko sa Maynila nagpatuloy, tumigil muna ako ng isang taon kasi nga walang datung na pang-aral…den after that I learned about the City College of Manila, ang aking pinakamamahal na paaralan kasi kung hindi dahil sa kanyang libreng tuition, di siguro ako nakapag-aral ngayun..siguro among na ako sa mga pulubi jan sa kalsada…at xempre and of course with the financial help of my dear grand lolo na richy-rich ng slight na xang nagsupport sa aking mga financial needs, xempre nman no..di na sagot ng CCM ang pamasahe, miscellaneous at kung anek-anek pang gastusin ng estudyante nila no…isipin mu kaya noh… kaya yun at xempre lahat yun nagging possible hindi dahil sa globe kundi dahil kay GOD..sobrang inaaasa ko na lang ang buhay ko sa kanya sa lahat ng aking ginagawa..xempre kasama na dun ang pagkilos ko upang matamu ang hinihiling ko sa kanya and God was really so good, that I never felt a times na iniwan nya ako..kahit napakadami kong shortcomings at kasalanan..still he never failed me, even I always failed HIM and at times nga nakakalimutan ko pa xa….at yun na nga nakagradweyt na ako..at nagsisimula namng maghanap ng trabaho..grabe as in grabe nakakapagod maghanap ng trabaho..gastos, pagod, tapos paghihintayin ka n gang tagal-tagal, mag-eexam ka ng akala mo katapusan na ng buhay mu sa dami, uti sana kung madadali lang e tambakan ka ban man ng mga mathematics na hate na hate nman tlga ng karamihan sa atin (wag nang mag-deny….umagree ka na lang) tapos sasabihin sayo “ok,well call you na lang” kakaasar diba??? Pero sabi nga lahat sa mundo ay process…na hihintayin mu nga lang either good output or reject… kasi nman diba nakakahiya nman tlga yung pagkagraduate mu, titihaya ka lang sa balur nyu at tsitsibug, tulog..anu ka baboy..palamunin…kapal na lang tlga ng mukha ng iba kung ganun ang attitude nila, kung ako sa kanila pakamatay na lang sila…sayang lang yung pinag-aralan at sakripisyo ng ibang tao sa kanila, tapus ganun lang (nanggalaiti ba?). Yun hala napahaba na pala yung Intro ko…ok lang nman yun diba???