ang babaeng nasa kwento |
Nanlumo ako ng bahagya, ngunit napag-isip-isp na kaoy nasa bahagi na lang din ng makasaysayang lugar ng INTRAMUROS, dala ko naman ang aking kamera, tiyak na marami akong makukuhanan
Naglakad-lakad ako ng mapadako sa simbahan ng Katedral ng Maynila, kasabay ng ilang pitik sa lent eng kamera sa harapan ng magandang istruktura ng simbahan, maya-maya pa’y napagpasiyahan kong pumasok sa loob, pagkatapos ng ilan pang pagkuha ng mga laarawan sa loob ng simbahan at sa rebulto ng mga santo at ng makaramdaman na ko ng pagod ay napagpasiyahan ko ng lumabas…
Ngunit bago ako tuluyan maklayo ay pumukaw sa aking pansin ang isang matanda at marusing na babae, nabablot sya ng kasuotang alam mong marami ng dinanas na alikabok, pawis at dumi, sa maikling salita nanlilimahid ito, siya nakaluhod sa may harapan ng mga “DONATION BOXES”, di nya pansin ang pagmamasid sa kanya ng mga tao sa loob ng simbahan, na ang ibang mga titig ay tila nakakarimarim ang matanda, ang iba nman pag napapadako sa bahaging iyo ay umiiwas na tila nakakhawa ang matanda,dahil abala siya sa pagkuha ng kung ano sa kanyang tangang supot.
Nagkaroon ako ng interes sa ginagawa ng matandang pulubi, kaya hinawakan ko ang aking camera at ilang pitik din sa lente ang aking ginawa, at iyon ay lingid sa kaalaman ng matanda, pagkat abla pa rin siya sa tila paghahanap ng kung anus a tangan nyang supot na sa aking pakiwari ay may lamang tela,papel at iba pa, ng mahagilap nya na ang nasa loob ng supot na iyon ay kinuyom niya ito s aknayang palad, ako ay nakasunod pa rin ng titig sa ginagawa ng matanda, ng maya-maya pa ay buksan nya nag kanyang palad at laman nun ay mga baryang tig pi-piso na marahil ay nakuha nya sa pamamalimos sa lansangan, at ang higit kong ikinagulat ay ng bilangin nya ito at ng masuma na marahila ng pantay na halaga ay inihulog niya ito sa dalawang donation boxes sa tapat ng kinaluluhuran niya, at pagkatapos mag-alay ng dasal ay tumayo na ang matanda at lumabas ng simbahan. Sa puntong iyon ay napasinghap ako, napaisip siya na isang matandang pulubi na walang makain ay may kakayahang magbigay ng kahit kakarampot na barya, na maari na sana nyang ipambili ng pagkain o di kaya’y inumin, ngunit ako na may trabaho at kumikita ay tipid na tipid kung magbigay ng aking “tithes” sa simbahan, ngunit gumagastos sa walang kapararakang bagay.
Ang buhay ay maiksi lamang upang iukjol lamang ito sa ating sarili, ang matandang yaon ay naghahndog ng kanyang tulong sa kabila ng kanyang kakapusan, dala ang pag-asa ng pagbibigay luwalhati sa kanya ng Diyos, ngunit mas marami dito sa ating mundo na katulad ko, o katulad mo na pansarili lamang ang iniisip, sa pamamgitan ng kakarampot na tulong na ating ibibigay ay katumbas ito ng di matatawarang saya sa bawat tao nating natutulungan, kung nais natin ipakita nag pagmamahal natin sa Diyos, na ibinabase natin sa pagdalaw sa kanyang tahanan sa tuwing lingo, ay di sapat yun, sapagkat ang Diyos ay nananahan sa ating puso, sa puso ng ating kapwa..ika nga “kung mahal mo ang Panginoon, Mahalin mo ang kapwa mo” dahil sila ang mukha ng Panginoon dito sa lupa.