Isang magandang araw ang naway sumasainyo sa sinumang nakakabasa ng pitak na ito, sa mga susunod na araw ay matutunghayan ninyo ang mga siping akda mula sa aklat na sinulat ni Dr. Bella Angeles Abangan, isang kolumnista sa TEMPO(Lakbay-Diwa) at BALITA(Maganda Ang Buhay) isa rin siyang gurong katulad ko, naisip ko na sa ibahagi sa mas amraming am,babasa ang kanyang mga akda, dahil mas higit na marami ang nakakabasa ng sulatin na ito kung ito ay mapopost sa internet, wala man legal na patnugot mula sa kanya marahil ay mauunawaan ako ni Dr. Abangan, dahil sa halos kulang isang oras naming pag-uusap ng minsan bumisita siya sa eskwelahang aking pinagtyuturuan upang ipagpapaalam ang kanyang anak na aking estudyante pala, sa mga panahong iyon ay iba ang aking interpretasyon kung sino si Dr. Abangan ngunit ng siya ay aking makita, maliit lamang siyang babae, kababatiran na ng katandaan ang kanyang mukha ngunit ang napansin ko sa kanya ay ang masayang ngiti at ang matang diretsong tumitig na waring pag kinakausap ka ay binabasa ay iyong pusot saloobin, matapos niyang sabihin sa akin ang layunin ng kanyang pagsadya sa eskwelahan ay akala ko ay tapos na ang aming pag-uusap ngunit yaon pala ay simula pa lamang.
Ako: Anu po ang inyung trabaho sa kasalukuyan
Dr. Abangan: sa maniwala ka o hindi ako ay nagsusulat araw-araw sa TEMPO at BALITA, kumikita ako ng 24,000 kada buwan na siya kong ipinatutustos sa aking pamilya, Alam mo sa totoo lang yang estudyante mu ay di ko sila mga tunay na anak, mga ampon ko sila, kinupkop ko mula ng sila ay isang araw pa lamang, merun akong tatlong tunay na anak ngunit lahat ng aking mga ampon ay tunay ko ng anak.
Sa aking kaisipan ay nabuhay ang aking paghanga sa kabutihang loob ni Dr. Abangan na mag-aruga ng mga taong di nagmula sa kanya ngunit pinalaki nya at inangkin tunay na pamilya.
Dr. Abangan: Kung ikaw ay may nais na marating sa buhay anak, di mu na kailangang umalis ng bansa upang umunlad, tuturuan kita, magday-dreaming ka lage,pangarapin mu ang gusto mung maging ang yung mga anis marating sa buhay, at gawin mu yun araw-araw, naalala ko dati ang sabi ko sa aking nanay, "Ma. Gusto kong maging doctor" ngunit ang sagot sa akin ng aking ina ay "Anak, mahirap lamang tayu, mahal ang magdoktor." Ngunit di nagging hadlang sa akin yun, pinangarap ko yun at ngayun nga ay nagging doctor ako di nga lang ng Medisina ngunit Doktor ng Pilosopiya.Msarap tawaging Doktor.
Hindi sa araw-araw ng buhay mo ay makakilala ka ng taong sa iilang minutong pakikipag-usap ay kapupulutan mo ng maraming aral sa buhay, ibinahagi nya ito ng walang dahilan, unag beses pa lang namin nagkita ngunit marami na akong natutunanan sa kanya, ang sabi pa niya sa akin ay.
Dr. Abangan: Anak, kung nais mung tunay na umunlad ay magtanim ka, magtanim mg kabutihan araw-araw at makikita mo aanihin mu ang mga itinanim mong yan.
Marami pa siyang ibinahagi sa akin, kasama na riyan ang mga karanasan niya kasama ang kanyang kaibigan na si Mayor Alfredo S. Lim na naging kaibigan niya ng ito'y kanyang gawan ng akda sa kanyang mga kolum sa dyaryo, ngunit di ko na ibabahagi ang mga bagay na iyon, ang masasabi ko lang tunay ngang huwaran ang Alkalde ng Maynila.
Maya-maya pa ay nagpaalam na siya sa akin, ipinangako nya na bibigyan niya ako ng kanyang aklat na lakbay diwa na kompilasyon ng mga kolum nya sa dyaryo, at bago iyon ay hinawakan nya ang aking palad, nagulat ako ngunit mas higit na nagulat sa mga binitiwang kataga
Dr. Abangan: Mahaba ang magiging buhay anak ngunit mag-ingat ka dahil pagsapit m,u ng edad 60 o 70 ay magkakasakit ka ng malubha kaya pag-ingatan ang iyong kalusugan, kung umibig ka ay taos, kaya kung mawawala ito sayo ay maaring ikasira mu, ganyan ka magmahal, at ikaw ay yayaman, may malaki kang kayamanan.
Napaisip ako, isang guro, kolumnista at manghuhula din pala si Dr. Abangan, di man ako lubusang naniwala ngunit nag-bigay ito ng daghdag paniniwala kung anu ang aking magiging kinabukasan, at napagtanto kaya marahil siguro ako ay di pa umiibig dahil sa kadahilanang maselan akong magmahal.
Kahapon(Biyernes, Nov 26, 2010) ay natanggap ko ang kopya ng aklat na lakbay diwa na may lagda at personal na mensahe mismo kay Dr. Abangan, at sa iilang pahina pa lamang aking nababasa ay kumukurot na ito sa puso, tunay nakapupulutan ng gintong aral ang bawat sipi, ang ibang kwento ay tumatagos sa puso.
Naalala ko tuloy kahapon ng pagbaba mula sa jeep, pagtawid sa lansangan, sa tabi n gaming building ay may nakaupong pulubing lalaki gula-gulanit ang kanyang kasuotan, bulag at nakasandal sa dingding tila hinang-hina, sa tabi nya ay mayroong aso, yun marahil ang nagsisilbing gabay nya sa paglalakad, tangan ko sa aking mga kamay ang supot ng pagkain na ibinigay sa akin ng aking kliyente mula sa isa ko pang trabaho sa Makati, sa jeep pa lamang ay naisip ko na kung kaninu ko ito ibibigay,ng Makita ko ang pulubi ay naisp kong ibigay ito sa kanya, ngunit di ko ginawa, tiningnan ko lamang siya gaya ng marami, dala ang pagkain ay umakyat na ko sa gusali at pagpasuk sa klasrum ay iniabot ito sa aking pagbibigyan, ng akoy pauwi na napaisip ako, dapat pala ibinigay ko na lamang ang pagkain na iyun sa pulubi, madami pumasok na tanung sa akin anu na kaya ang nangyuari sa pulubing yun, isang malaking panghihinayang ang aking nadarama tuwing naalala ko ang bagay na iyun.Isang aral iyon sa akin, matitikman ko nag mga gusto kong kainin ngunit ang taong yun ay yun lang ang pagkakataon na makakainng masarap ngunit nabigo pa ako na gawin.ang dasal ko na lamang ay mas maging malakas siya sa pagharap sa mga hamon ng buhay niya kasama ang kanyang alagang aso.
Sa mga makakabasa nito, inaanyayahan kop o kayung tunghayan ang mga kolum sa TEMPO at BALITA ni Dr. Abangan, sa Editorial Sectiuon ng dalawang dyaryo na iyun araw-araw, at bumili ng kanyang libro ang LAKBAY-DIWA, amraming aral na mapupulot, at higit sa lahat wag nyu pong palalampasin ang mga blogpost ko na hango sa aklat na LAKBAY-DIWA.
Muli salamat po ng marami
Pagpalain nawa tayo ng Panginoon.
No comments:
Post a Comment