Wednesday, February 23, 2011

To You...

do i? i believe i do...


Alam mo naiinis ako sayo kasi ginulo mo ang nanahimik kong mundo, at higit sa lahat ang natutulog kong puso, alam mo bang tuwing darating ka lahat na yata ng pores ko sa katawan ay bumubukas sa sobrang tense at nerbyos, ganyan katindi epekto mo sa akin, kahit pa nagdedeny ako, iba naman ang gusting sabihin ng bibig ko, sa katunayan nga habang tinatype ko to ay pinagpapawisan yung kamay ko, siguro sabihin mu pasmado ako.

Di ko alam kung in-love na ba ako sayo, kasi mula nung una kong masilayan ang napakaganda mong baba as in baba(anu ba English nun? Maya kasi baka iba maisip mo eh) ay lage ka ng laman ng isip ko, lalu pa ng makilala na kita, alam mo ba na seldom ko lang gamitin ung FB ko, pero mula ng maging friend kita, lage ko na syang binubuksan kahit, para lang tingnan pic mo, o kaya post mo, alam mo ba yung mga banat ko nung nagka-chat tayo, ay para sayo, pwera lang ung iba ha(alam mo na yun).

Siguro nauurat ka na pag-inaasar ka nila, ako nga din nape-pressure, pero mas gusto ko nga yun eh, hmmm, ewan ko di ko alam kung paano ko sasabihin sayu, sa munting panahong nagkakilala tayo, di man tayo nagkasama, pakiramdam ko were close kahit na pag personal di tayo ganun, siguro much better na malaman mo na rin diba, tanda mo pa ba ung sabi ko sayo na maging tapat at totoo ka, para I know when I nid to stop, para di na ako mas lalong mahulog pa sayo, sasabihin mu cguro weak ako pag ganon, pero para sa akin mas masakit pag tumagal pa, bibihirang pagkakataon sa buhay ko na naramdaman ko ung ganito.

Marami tayung pagkakatulad, pero mas marami pang dapat malaman sa isat-isa, di mo man tanggapin, iisipin ko na lang isa kang magandang nilalang ng Panginoon na nagbibigay kulay sa mundo ko, sasabihin mo siguro makatang bolero ako, pero in all honesty to you, I am single for almost my entire life, kaya pwede bang ikaw ang maging double ko, hahaha, pangit ng banat, pero I know, it will take time, I don’t know but reading your FB notes, seems to me that you’re still hurting.

Takot akong magmahal kasi, di ko alam how I am going to handle the relationship, natatakot akong masaktan at higit sa lahat makasakit, Ikaw ang tanging tao na dumating sa buhay ko, that I wanted to be sharing all my woes, dreaming of good moments, thinking that were together, di ako marunong manligaw eh, sa mga ganitong paraan ko lang naeexpress mga paghanga ko sa tao, ung mga gusto kong sbihin sa sulat ko lang nagagawa, I don’t know whats your preferences sa karelasyon. Pero this I think is the most bravest thing I’ve done, nagiciing ako, binuksan ang computer while listening to music at sinulat ko to este tinype pala ito, all what I wanna tell you ay dito ko ibinuhos.

..ang corny ko, alam mo ba habang tinatype ko tong line na to ang tumutugtog sa background ay AKALA MO by AIZA SEGUERRA, alam mo ba yung kantang yun, kung hindi search mo nalang., ayt .

Kung ayaw mo sa akin ayos lang(AWW!) ganun talaga ang mundo may nagmamahal sa atin di natin mahal, may mahal tayo di tayo mahal, cguro maxado lng mabilis, baka kasi pag nagmabagal ako ay maunahan pa, pero ayus lang talaga(OUCHH!!) cguro sobrang haba na ng sulat ko, sana di ka mapagod magbasa at sana sagutin mo tong sulat ko, grabe ang duwag ko talaga, wahaha…hayst..dami ko pang sinabi eh…

I hope that this won’t ruin the friendship that is starting to grow between us, I wanna be honest to you, I don’t want you to think that I befriend you, because I have personal interest. 

No comments:

Post a Comment