Friday, August 13, 2010

ANG PAMILYA (MY VERY FIRST PLAYSCRIPT)

Ang dulang ito ay naisulat ko, nung mga panahon, kinakailangan naming bumuo ng isang dula na aming itatanghal dapat sa entablado bilang bahagi ng asignaturang HUMANIDADES, nung nasa ikalawang taon ako ng aking pag-aaral sa kolehiyo, ngunit kalaunay di na antuloy ang pagsasadula nito, sa kadahilanang inulan ito ng batikos dahil sa maraming gastusin nga naman sa pagsasadula nito, at bukod pa duon ay ang napakagsatos an pag-imbita namin sa mga NATIONAL ARTIST ng PILIPINAS..pero ayus lang…pagpasensyahan nyu na po ang pangit kong script


 

PAMILYA


 

Mga Tauhan:
Enrico (E)- mahigpit na ama
Carmen (C): ina
Mga anak:
Jorge (J): panganay na anak
Jacque (Ja): pangalawang anak
Celine (Ce): pangatlong anak
Ricardo o Rica (R): pang-apat at baklang anak
Michael (M): bunso at retarded na anak
Kristine (K): girlprend ni Jorge
Rafael(Ra): ang mahal ni Ricardo
Aling Corazon: katulong
F1-kaibigang bading ni Rica 1
F2- kaibigang bading ni Rica 2
 
Tagpo I:
                Sa isang sala na kakikitaan ng karangyaan sa buhay. Papasok si Jorge na parang lasing at pasuray-suray na maglalakad ito  habang hithit ang sigarilyo, at sunod-sunod na magbubuga ng usok, lilinga-linga ito para tiyakin kung may tao sa sala, nang biglang bumukas ang ilaw.
 
E: Jorge? (sa matigas na pananalita)
J: (dali-daling ilalaglag ang sigarilyo at pasimpleng aapakan ng paa, lalapit sa ama at kukunin ang kamay) Mano po, Papa!
E: (Imbes na tugunin ang pagbibigay galang ng anak ay isang matunog na sampal ang tumama dito) Tarantado ka! At kelan ka pang natutung magbisyo ha? Yan ba ang tinuturo ng eskwelahan o ng tarantadong barkada na yan!
J: (titingin sa ama, kaaninagan ng galit nag mukha, ngunit walang salitang maririnig mula dito)
E: Sumagot ka, Jorge! Napakawalang-respeto mo! Yan pa ba ang igaganti mo sa akin?!(Galit ang tono ng pananalita)
J: (kikibot-kibot ang bibig waring may nais sabihin, kasabay ng pagtulo ng luha ang pagtalikod nito sa ama, at pagtabig ng plorera na nasa gilid ng mesa pag-akyat nito)
E: Jorge! Jorge! Kinakausap kita! Punyeta ka! Bumalik ka rito! Napakatigas na nangn iyong ulo!       
Papasuk si Carmen
C: Enrico ano ba ang nangyayari dito ha? Bakit ka sumisigaw?
E: (di papansinin ang asawa) Jorge! Bumalik ka rito, huwag mo kong hintayin na pumasok ako dyan! Masasaktan ka! Jorge! (akmang paakyat nang harangin ni Carmen)
C: Anu ba ang ikinagagalit mo sa ating anak! Enrico? (naghihisteryang tanong nito sa asawa)
E: dahil ang mayabang mong anak na yan ay napakawalang respeto! kulang sa disiplina,kaya nararapat lamang na disiplinahin  ko siya, upang di maging demonyo tulad ng ibang kabataan dyan!
C: Pero Enrico, hindi mo ba pwedeng kausapin lamang siya nang mahinahon, ito lang naman ang unang pagkakataon na ginawa niya ito!
E: kaya lumalaki ang mga ulo niyan eh! Dahil sa pangungusinti mo! Mga bastos at walang respeto! Di na ako magtataka kung balang araw pati ikaw ay bastusin na rin ng mga walang galang mong anak!
                lalabas si Jorge, na dala nag isang bag at tipong maglalayas.
J: Ikaw Papa, pwede naming hindi galangin pero ang mama, hinding- hindi namin gagawin yun sa kanya!

Lalabas si Ricardo, na halatang nagpipigil lamang ng pagkabakla, ngunit ng makita ang ama ay bigla itong naging lalaki
R: kuya!!
J: (titingnan ng masama nag kapatid at magtutuloy-tuloy sa sala sa harap ng amat-ina, makikipagsukatan ng tingin sa ama) Bakit Papa?, hindi kayo makasagot, hindi nyo ba matanggap na si mama lang ang mahal namin?! Anung nararamdam niyo Papa?
E: (Akmang sasampalin ang anak) Bastos!
J: Sige Papa! ituloy niyu! dyan naman kayo magaling e!
C: Enrico!, Jorge! anu ba tumigil kayu!
E: Sige, lumayas ka pairalin mu ang kagaguhan mo! Tandaan mu sa oras na lumabas ka ng pamamahay na ito ay pagsisihan mo ang naging desisyon mu!
J: Matagal na akong nagsisi Papa, mula nang maging ama kita, Nakikita kita, nakakasama! pero hindi ko kayo nararamdaman!
C: Jorge, wag kang magsalita sa ama mo ng ganyan!
J: Ama mas gugustuhin ko pang hindi ako nabuhay kong alam ko lang na siya ang magiging ama ko!
R: kuya! Wag kang ganyan! Ama pa rin natin siya!!
J: tumahimik ka Ricardo!
R: (mapapalunok ng konti, dahil sa narinig ang pagtawag sa buong pangalan niya)
E: At kung alam ko lang na ganito ang magiging anak ko, sana di ka na lang nabuhay! Suwail ka, at walang respeto! Anu pang hinihintay mu lumayas ka! Layas!(Duduruin si Jorge, at ituturo ang pinto!)
J: ( mabilis ang hakbang patungo sa pinto, ngunit hahabulin siya nina Carmen at Ricardo)
C: (umiiyak na yayakapin ang anak) Jorge, anak! Huwag mong gawin yan mahihirapan ka lamang!
R: (hawak ang bag ng kapatid) Oo nga kuya, huwag ka nang umalis, intindihin mo na lang ang papa!
J: Intindihin! Sawa na akong umintindi sa kanya! Mama! Buo na ang pasya ko! Kesa naman buong buhay na impyerno  ang danasin ko! Mas makakabuti na umalis na lamang ako!
E: (Pasigaw) Carmen! Ricardo! Pumasuk na kayo ditto, hayaan nyu ang suwail na yan! But one thing is for sure hes not going to like the mess that I'm going to do in his life! Paglabas niya ng pintuang yan!
C: Enrico, Patawarin ka ng Diyos!
E: Pumasok kayo dito, pabayaan nyu siya!!
C: (Umiiyak na hahalikan at yayakapin ng mahigpit ang anak, makikiyakap din si Ricardo)
J: Mama mag-iingat po kayo, mahal ko po kayo, Tolz alagaan mo sila mama ha, pati na rin sila Jacque, Celine, lalo na si Michael.
R: Kuya naman eh! Pinapaiyak mo ko, ung make-up ko! Echos lang!
J: (Pabirong babatukan ang kapatid) Gago! Magpakalalake ka nga, baka bugbugin ka ng kontrabida!
E: Anu ba? Carmen! Ricardo! Hindi ba kau papasok dito ha!
C: Mag-iingat ka anak, mahal na mahal kita!
J: Paalam mama!

R: Ingat ka kuya ha!
                Dahan-dahan  lalayo si Jorge at magsasara ang tabing!

No comments:

Post a Comment