Friday, August 13, 2010

ANG PAMILYA (PART III and IV)

Tagpo III
                Papasok si Enrico sa isang silid na salat sa anumang gamit at bakas ang kahirapan sa anyo nito
K: Sino po sila?
E: ( Titingnan ang babae mula ulo hanggang paa, pabalik at diretsong titigan ito sa mukha at tatalikod)
K: Ano po ang kailangan nyu, hindi ko po kayo kilala at
E: Magkano? (nanunuyang titingnan nito ang babae at muling tatalikod)
K: Anung ibig niyo pong sabihin, hindi ko po kayu maintindihan!
E: Name your price! Young slut! Magkanu para layuan mo ang anak ko ha!
K: Slut? Hindi po ako ganoong klase ng babae, at hindi ako tumatanggap ng bayad lalo na kung magmumula yun sa taong sumisira ng buhay ng mahal ko!
E: Oh come on! Don't play trick with me bitch! Im not stupid, just a glance of you, I know na mukha kang pera and that love that you were talking about is just one of the sweet words why my son has fallen into your trap! You don't know me! But I do know you! Bitch!
K: I'm not a slut, mas lalong hindi ako bitch, mahal ko si Jorge, at alam kong mahal niya ko, at bakit ba patuloy pa rin kayong nakikialam sa buhay niya, diba pinalayas niyu na siya!  At mula sa oras na yun ay malaya na siya sa poder niyu, pero bakit gusto niyu pa rin siyang ipailalim sa inyu, wala kayong awa. Sakim nga kaung talaga!
E: Enough of that! You have no choice, take the money or leave my son! Or else youre not gonna like kung anu ang kaya kong gawin! Don't dare me! At wag ka nang mag-pakaipokrita, dahil hindi bagay sayo!
E: (tangkang sasampalin si Enrico, ngunit sasalagin ito ng kamay na may panyo at parang nandidiring bibitawan iyon, at itatapon sa mukha ang panyo) Don't you dare put a single finger on me!Ang basurang tulad mo ay hindi nababagay sa mga katulad  naming, lalu na sa aking anak! (Kukuha ng bungkos ng salapi mula sa amerikanang suot at isasaboy iyon sa hilam ng luha na mukha ng dalaga) ADIOS!
K:( Titigan ang pera at isa-isa itong pupulutin, kasabay ng pagtulo ng luha) Patawarin mo ako Jorge!mahal kita pero hindi ko kaya ang pamilya mo! Lalo na ang hayop mung ama! Napakasama niya!
magsasara ang tabing


 

Tagpo IV
                Pagdating sa bahay ni Jorge
J: Kristine? May dala akong pasalubong! ( makikita si Kristine at yayakapin ito)
K: Aalis na  ako Jorge?
J: bakit? May nagawa ba akong mali? May problema ba?, may kasalanan ba ako? Anu? Kristine sumagot ka?
K: Wala!
J: Anung wala?, paanong wala? Pwede mo naman yatang ipaliwanag sa akin!
K: Bayad na ako!
J: hindi kita maintindihan, ipaliwanag mo sa akin, anu ba  talaga ang  problema?
K: Bayad na  ako, binayaran na ako ng papa mo! Para iwanan ka! Kaya aalis na ako!
J: Pero mahal mo ako? diba?, mahal kita  Kristine!
K: Pero hindi tayo mabubuhay ng pagmamahal lang, tama ang papa mo hindi ko kailangan magpaka-ipokrita!
J: Kristine, mahal na mahal kita at hindi ko kakayanin na mawawala ka sa akin! Lalayo tayo sa Papa! Sa hindi niya magugulo ang relasyon natin!
K: Kaya mo Jorge, dahil kaya ko at wala kang mapapala sa akin! Naibigay ko na sayo ang bagay na pinakaiingatan ko! Sana bumalik ka na sa pamilya mo! Paalam Jorge!
J: Kristine, sabihin mo nagbibiro ka lang! Sabihin mong mahal mo ako! Na mahal na mahal mo ako at nagbibiro ka lang!
K: Mahal kita, pero hindi ako nagbibiro! Paalam Jorge, kung anuman ang magiging bunga ng nangyari sa atin ay magiging isang masayang alaala na lang sa akin!(maglalakad ito palayo, pilit kinukubli ang luha sa mata)
J: Kristine! Kristine! (sigaw nito sa babaeng papalayo) Hayop ka papa! Napakasama mo talaga! Bakit kailangan lagi mo na lang kaming pakialaman!(Ibabato ang dalang pasalubong kay Kristine at magwawala ito sa kwarto)
                MAGSASARA ANG TABING

No comments:

Post a Comment