Friday, August 13, 2010

ANG PAMILYA (PART V and VI)

Tagpo V
                Sa sala, masinsinag nag-uusap sina Enrico at Carmen
C: Enrico, ano ka ba mas lalo kang mahihirapan sa ginagawa mong yan!
E: Alam ko ang ginagawa ko, Carmen
C: Sa palagay mo ba tama ang ginagawa mo ha! Di mo lamang pinapahirapan ang sarili mo. Pati ako at mas lalo na ang mga  anak mo!
E: mas nanaisin ko pa yun!
C: mas gugustuhin mo pang mas lalo kang kamuhian ng mga anak mo ha?
E: Oo, mas gusto ko pa yun kesa malaman nila akung ano ang totoong kalagayan ko!
C: at ako mas gusto mo pang isipin nila na sunud-sunuran ako sa iyo, napakahirap para sa akin nun Enrico!
E: Carmen mas mabuti nang hindi nila alam ang totoo, mamuhi na sila sa akin pero ginagawa ko lamang ito alang-alang sa kapakanan nila! Upang sa aking paglisan ay maayos ang buhay nila!
C: :Pero lalo lamang silang namumuhi sayo! Sa mga pakikialam mo, sa pagsasawalang bahala sa kanilang damdamin, hindi mo napapansin huli na pala ang lahat sa inaaakala mo! Hanggang kailan ka magmamatigas? Hanggang kalian ka magkukunwari? Hanggang saan ang mararating ng bawat desisyon mu?
E: Hindi ko alam kung hanggang kalian at saan pero alam ko tama lamang ito!
C: di ko na rin alam Enrico, sana nga maging maayos ang lahat!
E: Maraming salamat Carmen, napakabuti mong asawa, kaya mahal na mahal kita!(hahawakan ang pisngi nito)
C: Mahal din kita Enrico! Mahal na mahal at di ko alam kung kakayanin kong mawala ka sa akin! (hahawakan din nito ang pisngi ng asawa at magyayakap sila ng mahigpit)


 

TAGPO VI
                Makikita ang isang kama, nakahiga si Jakie na nababalutan lamang ng tapis katabi ang isang lalake at nasa aktong maghahalikan na sila ng bumukas ang pinto at
C: hesusmaryosep! Jacqueline? Patawarin ka ng Diyos!
Ja: Wala akong sinabing pumasok kayu mama, at mas lalong hindi ko sinabing bawal kumatok!
C: (Susugurin ang lalaki at pagbababayuin ito) Hayop ka! Lumayas ka dito! Layas! (nagmamadaling tatakbo ang lalaki bitbit ang pantalon at shirt nito)
Ja: Mama, tama na, kasalanan  nyu naman, Hayaan nyu na siya!(nanigarilyo ito, ngunit kukunin ni Carmen at ilalagay sa  asthray, sabay bigay ng mag-asawang sampal sa anak)
C: Hindi mo na iginalang ang tahanan ng iyong ama! Nasaan ang delikadesa mo ha!
Ja: Wala mama, wala ako nun! Nakakagulat diba na ang isang aspiring madre-mongha-sister-alagad ng Diyos na tulad ko ay nagpapakababoy! Nagpapakasira!
C: patawarin ka ng Diyos! Paanu mu nasasabi ang mga bagay na yan?
Ja: Mama, hindi na ako tatanggapin ng Diyos, kaya kay Satanas na lang ako, total ay sanay na rin naman ako! Impyerno dito, impyerno pa doon, Di hapi! (tatalikuran ang ina)
C: Paanu pag nalaman ito ng iyong Papa?
Ja: E di nalaman problema ba yun!  Bakit nyu ba ipinagdadamot ang kaligayahan ko ha, Mama, nang pinilit niyo akong mag-madre! Isinaalang-alang nyu bang damdamin ko!Kayo ni Papa, Hindi dahil ang alam niyo ay ang mga dahilan niyo, madamot kayo! Ang damot-damot niyu!
C: Jacqueline, patawarin mo ko pero hindi ko ginusto ang bagay na yun, ang papa mu ang may gusto! Anung magagawa ko?
Ja: Asawa niya kayo mama malaki ang magagawa niyu, pero kami mga anak niya lang kami! Na dapat ay sundin siya! Mama! Hanggang kailan mama? Kailan ka magigising? Hanggang kailan ka magiging sunod-sunuran? Asawa ka niya at hindi isang utusan! Nasaan ang silbi ng pagiging asawa dun?  Ang silbi ng pagiging ina? Wala mama! Wala!
C: Hindi totoo yan! Mahal ko ang papa niyo! At alam ko kung anu ang totoo kaya ko ginagawa ang  bagay na ito!
Ja: At kami hindi niyo kami mahal kaya hindi niyo kaming magawang ipaglaban, bigyan ng karapatan? Ng kalayaan? Ikaw lang ang nagmamahal mama!
C: Nasasabi mo lang yan dahil masama ang loob mo!
Ja: Hindi lang sama ng loob mama! Galit, nagagalit ako sa kanya! Patawarin niyo ako pero yun ang mararamdaman ko! Kaya ginagawa ko ang mga bagay na ito, at hindi ako natatakot malaman niya man to, mas gugustuhin ko pa nga yun! Mabuti pa ang Kuya, may lakas ng loob kahit papaanu na suwayin ang papa! E kayo kailan? Kami kailan?
C: Mahal kong anak! Bakit kayo nagkakaganito! Hindi ko magawang sisihin ang ama ninyo, dahil alam kong ginagawa niya lamang ang bagay na ito dahil alam niyang makabubuti ito! Pero bakit ganun?
Ja: Hindi niya  alam kung ano ang makabubuti, dahil ang alam niya lang ay ang pansarili niyang kalagayan! Iniisip niya ba n a sa bawat desisyong ginagawa niya sa buhay namin ay sinisira niya nang unti-unti ang buhay namin!
C: Anak ko!(Yayakapin ang anak at magsasara ng tabing)

No comments:

Post a Comment