Friday, August 13, 2010

ANG PAMILYA (PART VII)

Tagpo VII
Hihilahin papasok ni Enrico ang baklang anak na si Ricardo na masubsob sa sofa
R: Papa! Huwag po maawa po kayo sa akin!
E: Peste ka! Dito mo pa pinaiiral ang kabaklaan mo ha! Wala akong anak na bakla(Hahawakan ang kasuotan ng anak at pupunitin ito) at kahit kailan hindi ko matatanggap na may bakla  sa pamilya ko!
R: (Umiiyak at diretsong tititig sa ama) Sawa na akong magpanggap Papa, Pero hindi niyo lang alam kung bakit ako nagkakaganito! Hindi niyo lang alam!
E: At wala akong pakialam , anuman ang katarantaduhang dahilan yan!Dalawa lamang ang pamimilian mo titino ka o palalayasin kita sa pamamahay na ito nang magsama kayo ng suwail mong kapatid!
R: Ganyan naman kayo Papa, kahit noon pa, wala kayung pakialam dahil kahit kalian, hindi ninyo tinangkang pakialaman  o pinilit alamin kung ano nga ba ang nangyayari sa pamilyang ito!Kung anung gusto naming at kung anung ayaw namin!
E: Alam ko kung anung nangyayari dito, at lahat kayo ay walang karapatang diktahan o suwayin ako!
R: Maari ngang wala kaming karapatan, pero may damdamin kami na nasasaktan! Sobra na kayo Papa! Alam niyo ba kung anung dahilan ng kabaklaan ko ha?, dahil sa iyo, sa pesteng pamamalakad mo sa pamilyang ito!
E: Wala kang karapatang sumbatan ako, dahil bilang ama niyo ay ginagawa ko ang tungkulin ko! Pinapalamon ko kau, binibihisan, binigyan ng tirahan at pinag-aaral ngunit kayo pa ang mga walang utang na loob!
R: Hindi sapat yun Papa! Nasaan ang pagmamahal dun? Ang pag-aaruga? Ang kalayaan, naibigay niyo nga lahat pero hindi ang tatlong bagay na iyon, dahil sakim kayo Papa, iniisip niyo lamang ang sarili niyo wala kayong pinagkaiba sa mga lalakeng dumaan sa buhay ko! Sakim!
E:(Sasampalin ulit ang anak)
R:Sige papa! Saktan niyo pa ako! Mas mabuti ngang saktan niyo ako ng pisikal, kesa pati damdamin ko ay sinasaktan niyo! Bakla ako Papa! Emosyonal ngunit lahat nang yun ay dahil sa inyo! Sayo!, naghahanap ako ng kalinga ng isang ama, pero hindi nyu man lang nagawang iparamdam sa akin, sa amin! at saan ko natagpuan! Sa mga lalaking dumaan sa buhay ko, sa bawat sandali ng pag-uulayaw namin doon ko nararamdaman , pero pagkatapos nun? Wala? Hungkag uli ang damdamin ko, dahil ang kapalit nun ay pera, pera para sa kaunting oras ng kaligayahan, pera na nanggaling sa iyo! Ikaw na siyang dahilan kung bakit Ako, si kuya Jorge, at lahat kami dito ay nahihirapan at nasasaktan!
E: (Kuyom ang palad na nakatingin sa anak) Tumahimik ka Ricardo, wala kang alam!
R: Hindi Papa! Hindi niyo lang matanggap sa sarili niyo kung anu ang katotohanan! Pinipilit niyung magbulag-bulagan! (Tatakbong palabas ng bahay)
E: (Sunod-sunod ang pagbuntunghininga, kasabay ng tila pagpigil ng emosyon ay matatag pa rin ang ekspresyon)
MAGSASARA ANG TABING

No comments:

Post a Comment