… Magandang araw sa lahat…
Its a HOLIDAY today, as we celebrate the end of RAMADAN, we join our MUSLIM brothers for this special event in their life, at ang maganda dun sa lahat ng nagtatrabaho merun silang mahabang weekend, yahoo bakasyon tahaha, hayst…
Sa buhay natin may mga tao tayung pinapahalagahan, ibinubuhos ang pagmamahal at kailanman ay nagmarka na nag kanyang personalidad sa iyong pagkatao, ang kung may isang tao sa buhay ko na talagang iiyakan at siguro mahihirapan akong pag nawala siya ay ang aking LOLA si LOLA PATRING ang aking napaka mapag mahal na lola, siya na nagsilbing aking ina, na gumabay sa maing magkakapatid na nagmahal sa amin, sa akin siya na nagpadama sa main ng pagkalinga ng isang INA, siya ang maituturing kong WORLD GREATEST GRAND-MOTHER! isang dakilang lolang ina, marahil pinagtatakhan nyu kung bakit sinusulat ko ang tungkol sa aking lola, namimiss ko na aksi siya huli ko pa siyang nakita nung taong 2009, at nakausap sa telepono nung August,2010, mula aksi nung nagkolehiyo at makatapos ng pag-aaral hanggang makapagtrabaho ay dito na ako sa Maynila nanirahan, di ko makakalimutan ang kanyang ngiti sa tuwinang makikita nya nag aking mga report cards nung elementary at matataas ang aking mga marka, mahigpit na yakap nag kanyang maibibigay at kahit na wala xang pinagkukunan ng pera nung mga panahong yun ay gumagawa xa ng paraan upang sa araw ng pagkilala sa mga natatanging mag-aaral sa bawat pagtatapos ng pasukan ay mabigyan nya ako ng handog kahit munti man ay napakalaking bagay na sa akin dahil iyun ay nagmula sa aking lola, mas lalu naming minahal ang aking lola, ng mawala ang aming ina na magpasahanggang ngayun ay wala kaming balita, ibinuhos nya sa main ang pagkalinga na di namin nadama sa aming ina, aaminin ko naiinggit ako sa tuwinang nakakakita ako ng isang masayang pamilya, masaya ako at nagpapasalamat sa Panginoon dahil binigyan nya kami ng isang lola na katulad ni MAMA, di ko makakalimutan ang maaliawalas nyang ngiti at mahigpit na yakap na ibinigay sa akin ng umuwi ako nung Dec, 2009 kung saan ay halos dalawang linggo din ako nag-stay bago bumalik sa maynila para sa pagbubukas na uli ng klase, sa mga panahong yun sinariwa ko ang mga alaala ng aking pagkabata kung saan nakaantabay sa tabi ang aking lola, kahit na minsan ay napapalo nya ako dahil sa katigasan at kakulitan ko na rin, sa tuwinang humahampas ang pamalo sa aking puwitan ay ang pagbukal ng lkuha sa kanyang mata habang inuusal nya ang katagang “ayaw ko kayung pinapalo, pero kinakailangan gawin ko ito!” na nung unay di ko maunawaan at minsan ay nagtatanim pa ako ng sama ng loob, na hindi ko sya papansinin kahit na nilalambing nya ako sa pamamagitan ng pagtabi sa akin sa higaan at alu-aluin, naalala ko rin sa mga panahong nagkakasakit ako ay andyan siya lagi, di makatulog dahil lubusan nag-aalala sa aking kalagayan at sinasabing “kung pwde ko lang akuin yang sakit na yan ako na ang magdadala nyan wag lang kayung mahirapan” damang dama ko ang pagmamahal ng aking lola na dahil nga kabataan ko pa nuon at di pa ko matured sa realidad ng buhay ay ipinagsasawalang bahala ko lang, naroon din ng akoy tumapak sa sekondarya sa tuwinag wala akong baon kinabukasan dahil sa pumalya nga pagdating pera ay naglalabada siya sa kapitbahay upang may maibaon lamang ako, kung tutuusin napakaliit na halaga ng ibinabayad sa paglalabada niya, nakikita ko ang pagsakit ng mga kamay niya dahil s atmabak na labada, tinitiis nya ang pagsakit ng knyang likuran at balakang habang sunong sunong ang mga labada papunta sa may kalayuang poso, upang wag lamang akong lumiban sa pagpasuk, ibinuhos nya sa akin sa amin ang lahat ng pagtya-tyaga, ang suporta maitaguyod lamang kami, pinagsisihan ko din siguro na ang maihahandog ko sa kanya nung pagtatapos ko ng highschool ay mapabilang sa top 10 ng klase ngunit nagpabaya na ako noon dahil huling taon na rin naman sa hyskul kaya di ko na gaanung binigyang pansin at dahil pagod na rin ako sa kompetisyon,pagkatapos ko ng hyskul ay nagtungo ako dito sa maynila hindi upang mag-aral kundi ngtrabaho muna, ako ang sumuporta sa pag-aaral ng aking kapatid na pangalawa hanggang matapos nya nag hyskul sa mga panhong yun sa telepono ko lamang nakakausap ang aking lola at di pa iyun kadalasan, hanggang sa magkolehiyo ako sa suporta na rin ng aking maykayang lolo na kapatid ng aking lola ay minsan na lamang ang aming kumunikasyon. kahit na nagyun nagtatarabaho ako ay bihira ko pa rin xang makausap, basta mahal na mahal ko ang aking lola di ko kaya pag nawala xa , malaking bahagi ng buhay ko ang mababawas sa pagkatao ko, dalangin ko lang sa Panginoon na maibigay ko ang mgandang buhay na inaasam ng aking lola at pagalingin sya sa karamdaman nya ngayun…hayst.. i LOVE YOU MAMA!
No comments:
Post a Comment