Wish o kahilingan sa ating sariling wika,hindi natin maitatatwa na lahat tayo ay may kanya-kanyang "wish", maaari itoy material na bagay o di kaya ay isang kagustuhan ninanais mung magkaroon ng katuparan.
Ibat-ibang paraan natin inuusal ang ating mga "wishes", nariyan ang magtapon tayo ng barya sa mga "wishing well o fountains",nariyan din na pag di sinasadyang mahulog ang isang pilikmata natin ay uusal ng isang wish, maging pag nakakakita ng 3 magkakahalintulad na bilang sa sasakyan o anuman ay di natin mapigilan umusal ng 'wish", marami pang pamamaraan kung paanu natin ipinapahayag ang ating mga "wishes", anuman ang mga ito, ang pagkakaroon ng katuparan ng ating mga kahilingan ay nagisisimula sa ating sarili at di magmumula sa anuman o sinupaman, ito'y nanggaling sa determinasyon at tiwala natin sa ating sariling kakayahan tuparin ang ating mga wishes na may kaakibat na isipang maunawain at pusong mapagmahal, kasama na dyan ang tulong at suporta ng mga mahal sa buhay, kaibigan o karelasyon at higit sa lahat ang pananalig sa Panginoon.
Ang blogpost na ito ay di naman tuwirang tatalakay sa konsepto ng wish, kung hindi sa aking mga wishes, ang orihinal na pamagat nito ay "MY ALLTIME WISHLIST", ngunit mas pinilit kung paiikliin ito at pamagatang "WISH".
Simula pa ng ako ay magka-isip, ilang milyon? O marahil ay bilyong beses na akong humiling, sa fountain, sa wishing well, sa pilikmata, sa numero at maging sa tala at shooting star o bulalakaw, iba't-ibang kahilingan, di ko narin matandaan kung alin doon ang natupad, alin ang hindi, ngunit aaminin ko sa inyo ang karamihan sa hiling na yun ay imposible talagang mangyari, bunga ng imahinasyon ng isang paslit, ikaw nasubukan mo na bang humiling na magkaroon ng VOLTES 5 o di kaya DAIMOS ang Pilipinas?, o di kaya magkaroon ng mga POWER RANGERS at MYSTIC KNIGHTS of TIRNANOG na ipaagtatanggol tayo sa mga kalaban, ilan lamang yan sa napakraming imposibleng kahilingan akong nai-usal.
Sa pagdaan ng panahon, sa murang kaisipan ay humarap ako sa napakaraming sigalot ng buhay, kabilang na dyan ang paghihiwalay ng aking mga magulang, lumaki ako na walang kalinga ng ama, at boses at sulat lamang ng ina ang nadarama, maraming salamat na lamang sa aking mga lolo at lola na nag-aaruga sa aming magkakapatid, at sa panahong yun, tuwinang lalahok sa mga patimpalak pangkaisipan at pampisikal, aakyat sa entablado upang tanggapin ang di mabilang na parangal ay may bahagi ng aking puso ang nalulumbay, nag-aasam na sana ay may magulang na kasama sa entabladong yaon at nagpapakuha ng litrato, ngunit isa na naming kahilingan di nabigyan ng katuparan at tila din a yata mabibigyan ng katuparan, sa ngayuna y din a ako umaasam na matutupad ito, ang pag-asa ay ansa puso ko ngunit ang sumisirit na katotohanan ay di na maitatatwa.
Dumaan pa ang mga araw nagtapos sa elementary, nalampasan ko na rin ang unag hakbang ng pag-abot sa aking mga pangarap, tapos na rin ang anim na taon na araw-araw na pabaong PISO at kung susuwertihin ay maging DOS o di kaya'y LIMA, sa mga panahong yun ay humihiling lage na sana ang piso ko ay maging isandaan ngunit isa na namang bigong kahilingan.
Di naglaon ay tumuntong na ako ng sekondarya, dito ang baon kong PISO ay naging BENTE na araw-araw, malaki na di ho ba? Ngunit kung ikukumpara sa aking mga kamag-aral ISANDAAN ang kanilang baon, katumbas na ng aking isang linggo, di mo maaring gastusin at yun ay kung gusto mo pang makapasuk sa susunod na araw, hindi ko alam kung sa paanung paraan ko napgkakasya ang kakarampot na baon at sapagkat akoy nakakapag-pautang pa sa aking mga kamag-aral,pinilit ko muling humiling upang kahit papaanoy madagdagan ang baon, ngunit ang hiling ay may kasamang pagkilos, mula sa isandaang pisong napamaskuhan, ipinuhunan ko ito sa mga mani,stick-o kendi at anu pa mang pwedeng kutkutin at ibinenta sa aking mga kamag-aral, at mula sa naiipon ko doon ay di ko na kailangan humingi upang may maipambili ng libro o pampaxerox man lang.
Sa tuwinang may field trip ay kinakailangan kong mag-ipon ng todo, ngunit kadalasan ay di ako umaabot s adeadline ng bayaran, kaya naman anmg ginagaway abangan ang bus kung saan lulan ng aking mga kamag-aral at kumaway na lamang, tanawin hanggang sa abot ng tingin at humiling na sanay kasama ako doon.
Iniisip ng marami akoy isang taong walang problema, pagkat lageng masayahin,maingay, madaldal, magaslaw ikinukubli ko lamang ang kalungkutan at kakulangan sa mga bagay-bagay dahil batid ko na sa buhay na ito ang kinakailangan mo ay isang maunawaing isipan di nagtatanim ng poot sa kapalaran, pagmamahal at pagtanggap sa kung anung mayroon ka ang mas mahalaga, ngunit nararapat din na hindi ka tumitigil sa pagharap sa hagupit ng kapalaran, kinakailangan mo itong labanan, dahil sa huli ikaw ang magdidikta ng iyong kapalaran.
Isang kamangmangan at kababawan ng pag-iisip ang sirain ang buahy dahil sa mga tinatamong paghihirap.
Dumating ang pagtatapos sa sekondarya, Masaya ang halos lahat dahil tatapak na rin sa kolehiyo, ako man ay masaya may ngiti sa labi, isang mapait na ngiti, dahil alam ko na pagkatapos ko ng hayskul ay maaaring yun na ang aking huling beses na aapak sa paaralan at magtatapos, sapagkat halos lahat ng aking mga kamag-aral ay may mga napili ng eskwelhan at kurso ngunit ako ay wala pa ang kaisa-isang eskwelahang pinag-aplyan sa kolehiyo ay di pa nagbibigay ng sulat kung ako ba ay pumasa o hindi sa kanilang scholarship, di naglaon dumating na ang gradwesyon, di ako nakabilang sa mga mag-aaral na paparangalan, at lubos ko iyong pinagsisisihan sapagkat isa sana iyong tropeo na maibibigay ko sa aking lola lolo na nagbuhos ng panahon at hirap sa akin ngunit di ko nagawa.
Natapos ang gradwesyon at gaya ng inaasahan ako ay di nakapasuk sa kolehiyo, sabi ng iba saying daw ang aking talino, ngiti lamang ang aking isinusukli, bawat araw na dumadaan ay humihiling ako n asana isang araw may mapdpad na mabuting nilalang sa aming bayan na handing mag-paaral ngunit isa na naman bigong kahilingan, sinubukan ko an rin ang mga sponsorship ng simbahan, nariyang nagpakuha ng larawan sa tapat ng aming sira-sirang tahanan, ngunit wala pa ring nangyari.
(MAY KARUGTONG…)
No comments:
Post a Comment