Monday, January 14, 2013

Ano Kaya?


May mga bagay na panahon lang ang makakapag- turo sayo. Tulad ng kung gaano mo kamahal ang isang tao. Madalas malalaman mo lang kung gaano mo sya kamahal kapag wala na sya sayo.
Umaasa ka na lang na sa paglipas ng panahon, maibabalik mo kung anong nawala sayo. O kung hindi na maibabalik ang dati, babaguhin na lang ng panahon ang lahat ng bagay.

Pero bakit hindi binabago ng panahon ang puso mo? Bakit kahit alam mong tapos na ang lahat, pilit mong binabalikan yung simula at lagi mo tinatanong:

Pano kaya kung mas minahal ko sya? Pano kaya kung hindi mo na lang sya minahal? Pano kaya kung hindi na lang kayo nagkakilala para mabura na lang sya sa ala-ala mo? Pano kaya kung noong nagkatagpo kayo, ibang tao ka at ibang tao rin sya, sa ibang pagkakataon, sa ibang lugar, sa ibang panahon.

Maiiba din kaya ang tadhana nyo? Kamay mo na ba ang hawak nya? Pangalan mo na ba ang bukang bibig nya? Ikaw na ba ang nasa tabi nya? Ikaw na ba ang kayakap nya? Ikaw na ba ang mga dahilan ng mga ngiti nya?."

-repost

No comments:

Post a Comment