Monday, January 14, 2013

OK Lang Yan 2 (Ending Narration)



napakaraming tanong sa isip natin,
pero ang totoo naman di naman natin talaga alam ang tunay na sagot,
tanging SIYA lang ang nakaka-alam diba?
kahit anung pag-papaplanong gawin sa buhay,
kahit anung gawin nating subok,
kahit anung pilit natin,
minsan di pa rin nangyayari
baka meron syang ibang mas magandang paraan diba?,
kaya lahat ng bagay ipagpasalamat mo sa kanya,
ipaubaya mo sa kanya,
sa kanya ka mag-paalam at humingi ng guidance,
napakaraming pagsubok ng buhay,
mga problema,
mga biglaang sakuna,
kapag nangyayari yun,
wag ka munang mangangamba,
kalmahin mo ang sarili mo,
magdasal para lumambot ang puso mo,
saka ka mag-isip ng tamang solusyon
at kapag palagay mo parang di mo na kaya,
dahil parang lahat ng pwede mong magawa ay nagawa mo na,
baka may nakakalimutan ka,
tawagan mo siya,
kahit kailan di sya nagiging cannot be reach,
may mga bagay na di natin kaya na maisip sa sarili nating paraan,
kaya wag natin sarilinin,
dahil pag paraan nya pinagpaubaya natin,
walang bagay na imposible,
manatili kang mabuti kahit na sa pinakamasamang araw pa ng buhay mo,
lagi mong iisipin na kaya mo,
palakasin mo ang isipan mo at pananalig sa Diyos,
para sa ganun araw-araw kang may gana at determinado para sa pinapangarap mo
at di ka makakaramdam ng matinding panghihina ng loob,
dahil alam mo lagi syang nandyan para gumabay sayo,
may mga bagay akong naabot para sa sarili ko,
oh bakit imposible para sayo diba?
wag mong ikukumpara ang buhay merung sa iba,
dahil di mo alam ang totoong pinagdadaanan nila,
habang umiintindi ka, lalong lumalawak ka,
habang nagbibigay ka,lalo kang binibiyayaan,
tandaan mo na OK lang maging matalino ka at matipid sa pera,
pero wag kang magiging madamot, magkaiba yun,
tumulong ka hanggat kaya mo,
wag mong pansinin ang mga taong naninira sayo,
dumiresto ka lang ng lakad mo at iwan mo sa kanila ang ganung klase ng pag-uugali,
darating ang panahon na sila naman ang mismong maglulubog sa sarili nila,
magpasalamat ka kung may nakuha ka,
magpasalamat ka kung bumagsak ka,
lahat ng bagay ipagpasalamat mo,
dahil lumiliit ang tsansang makapasok ang malulungkot na emosyon pag lahat nai-aapply mo sa sarili mo,
i-enjoy mo ang lahat ng meron ka,
cellphone mo na di na uso,
sapatos mong luma,
mga damit mong may sira,
pagkain mong danggit na paulit-ulit,
mayat-maya magpasalamat ka,
dahil nga dito ang lahat nga meron sila,
lahat ng bago nasa kanila,
pero di naman masaya,
pagalingin mo ang sarili mo sa larangang mahal mo,
irespeto mo ang mga bata gaya ng pag-respeto mo sa matanda,
mahalin mo ang mga kaibigan mo,
alagaan mo ang pamilya mo,
maniwala ka sa sarili mo,
at higit sa lahat maniwala ka sa Diyos,
bumagsak man sa buhay,
bumangon ka agad
at lagi mong tatandaan
at lagi mong sasabihin
OK Lang Yan 


to those who havent watch, below are the links:

  1. http://www.youtube.com/watch?v=miJNiUxg2FY-OK Lang Yan 1
  2. http://www.youtube.com/watch?v=dh6KWvdwz3E-OK Lang Yan 2(Part 1 of 2)
  3. http://www.youtube.com/watch?v=bnYH5Q2CX-4-OK Lang Yan 2(Part 2 of 2)

No comments:

Post a Comment