Monday, December 13, 2010

E-Mail (A Millionaires Story)

I am going to share this story for you my readers; this is one of the many stories that had been shared yesterday by Light of Jesus Feast Builder Bro. Eng Si of THE FEAST Valenzuela, during the second session of the RESTORED entitled REDEFINE.

There is one family man, he is jobless, and desperate to land a job, he was headhunting for jobs for quiet a time already, and then, One day, while browsing through the ads in the classified section of the newspaper he saw this:

WANTED: Janitor (URGENT)

So, he immediately went to the office, and then when he got there, he was of course interviewed by the HR officer, and after that interview, the HR Officer told him that he qualified and he is hired and he can start the next day, of course he is very happy for that good news because he is very much in need of job at that time, then as he was to leave the HR officer told him what should he bring as he report the following day.

HR Officer: Do you have an e-mail, so I could send you the requirements?

The man, look at the HR officer

Man: No Sir, I don't have an e-mail.

The HR Officer, was shocked and a bit wild, yelled at him

HR Officer: What you don't have an e-mail? You don't have the right to live in this world if you don't have an e-mail. I am not going to hire you.

The man was bewildered by the action of the HR officer, but he accepted the fate, what could he do, he don't have an e-mail, so he left the office very sad, thinking about what will happen to him, to his family, he decided to go home, but as he walk, he remember his son, waiting for him hoping that he had brought anything to feast on, and then he clutch on his pants pocket, and feel the money inside, he brought it out and see a three, one hundred peso bill, which sums to P300.00, while holding the money he is thinking of the way on how he is going to make the most out of it, then he went to the nearby market, and bought P300 worth of tomatoes, re-packed it and sold to the houses he passed on, and in just two hours, all the tomatoes had been sold-out, and when he count his money he had P600.00, and it was still early so he went back to the market again and bought P600.00 worth of tomatoes, and sold it in the houses along the neighborhood, and then a few hours had passed and all the tomatoes were sold out, and still it is early to went home so he want back to the market and bought P600.00 worth of tomatoes, he sold it again to the nearby barangays and he continue to do that, and when he counted his money, his P300.00 is now P2,400.00, he is very happy at what happened, then he went home, these he continue to do, after a time and of course enough money, he invested and become a vegetable dealer, he was able to bought his own delivery truck and they don not have problem anymore in terms of money, he became rich, then one day his friend who owns an insurance company approached him:

Friend: You know what; you should apply insurance for your business? It is growing and the insurance will help you

Without thinking any further, he answered,

    Man: Oh sure, I'll get an insurance

    Friend: Okay then, I'll send my agent to you.

The next day, the agent came over to his house.

    Agent: Hi Sir, I am the one sent by your friend regarding the insurance

    Man: So you are the agent? Ok What now?

The agent then, brought out his pen and the application form and started asking information and taking it down from the man, such as the his name and other vital information, and then he ask:

    Agent: E-mail address sir?

    Man: I don't have an email.

Agent: (Agent was shocked) What sir, you don't have an e-mail, how could you become so rich and yet you don't have an e-mail, do you know what in this world you are right now, if you do have an e-mail?

Man: Yes I know, I AM A JANITOR!


 


 


 


 


 


 

Tuesday, December 7, 2010

Ito Ang Pangako Ko-By Nyoy Volante

This is the OST Lyrics of the Perfect Match(ABS-CBN 2)

Instrumental:

Sadyang walang hatid ligaya at saya

pagmamahalan natin syang nadarama

walang sayang sa ating bawat sandali

di sanay na magkawalay


 

panahon na nagdaan tila ba walang hanggan

sana ay di na matapos pa..


 

Pangakong iibigin ka kailan pa man

Ayokong makikita kang nasasaktan

At nais kong malaman mong sayo lang ang puso ko

Iingatan ko ang tunay na pag-ibig natin

Ito ang pangako ko


 

Kahit kailan ay di ka na mag-iisa

Tanging ligaya ko'y sa piling mo sinta

Unos man at ulan ay kakayanin ko

walang malulungkot at luluha


 

panahon nagdaan tila ba walang hanggan

sana ay di na matapos pa..


 

Pangakong iibigin ka kailan pa man

Ayokong makikita kang nasasaktan

At nais kong malaman mong sayo lang ang puso ko

Iingatan ko ang tunay na pag-ibig natin

Ito ang pangako ko


 

di magbabago..

di magbabago..

pag-ibig ko sayo..


 

Pangakong iibigin ka kailan pa man

Ayokong makikita kang nasasaktan

At nais kong malaman mong sayo lang ang puso ko

Iingatan ko ang tunay na pag-ibig natin

Ito ang pangako ko


 


 

Saturday, November 27, 2010

LAKBAY-DIWA


 Isang magandang araw ang naway sumasainyo sa sinumang nakakabasa ng pitak na ito, sa mga susunod na araw ay matutunghayan ninyo ang mga siping akda mula sa aklat na sinulat ni Dr. Bella Angeles Abangan, isang kolumnista sa TEMPO(Lakbay-Diwa) at BALITA(Maganda Ang Buhay) isa rin siyang gurong katulad ko, naisip ko na sa ibahagi sa mas amraming am,babasa ang kanyang mga akda, dahil mas higit na marami ang nakakabasa ng sulatin na ito kung ito ay mapopost sa internet, wala man legal na patnugot mula sa kanya marahil ay mauunawaan ako ni Dr. Abangan, dahil sa halos kulang isang oras naming pag-uusap ng minsan bumisita siya sa eskwelahang aking pinagtyuturuan upang ipagpapaalam ang kanyang anak na aking estudyante pala, sa mga panahong iyon ay iba ang aking interpretasyon kung sino si Dr. Abangan ngunit ng siya ay aking makita, maliit lamang siyang babae, kababatiran na ng katandaan ang kanyang mukha ngunit ang napansin ko sa kanya ay ang masayang ngiti at ang matang diretsong tumitig na waring pag kinakausap ka ay binabasa ay iyong pusot saloobin, matapos niyang sabihin sa akin ang layunin ng kanyang pagsadya sa eskwelahan ay akala ko ay tapos na ang aming pag-uusap ngunit yaon pala ay simula pa lamang.

 
 

Ako: Anu po ang inyung trabaho sa kasalukuyan
Dr. Abangan: sa maniwala ka o hindi ako ay nagsusulat araw-araw sa TEMPO at BALITA, kumikita ako ng 24,000 kada buwan na siya kong ipinatutustos sa aking pamilya, Alam mo sa totoo lang yang estudyante mu ay di ko sila mga tunay na anak, mga ampon ko sila, kinupkop ko mula ng sila ay isang araw pa lamang, merun akong tatlong tunay na anak ngunit lahat ng aking mga ampon ay tunay ko ng anak.

 
 

Sa aking kaisipan ay nabuhay ang aking paghanga sa kabutihang loob ni Dr. Abangan na mag-aruga ng mga taong di nagmula sa kanya ngunit pinalaki nya at inangkin tunay na pamilya.

 
 

Dr. Abangan: Kung ikaw ay may nais na marating sa buhay anak, di mu na kailangang umalis ng bansa upang umunlad, tuturuan kita, magday-dreaming ka lage,pangarapin mu ang gusto mung maging ang yung mga anis marating sa buhay, at gawin mu yun araw-araw, naalala ko dati ang sabi ko sa aking nanay, "Ma. Gusto kong maging doctor" ngunit ang sagot sa akin ng aking ina  ay "Anak, mahirap lamang tayu, mahal ang magdoktor." Ngunit di nagging hadlang sa akin yun, pinangarap ko yun at ngayun nga ay nagging doctor ako di nga lang ng Medisina ngunit Doktor ng Pilosopiya.Msarap tawaging Doktor.

 
 

            Hindi sa araw-araw ng buhay mo ay makakilala ka ng taong sa iilang minutong pakikipag-usap ay kapupulutan mo ng maraming aral sa buhay, ibinahagi nya ito ng walang dahilan, unag beses pa lang namin nagkita ngunit marami na akong natutunanan sa kanya, ang sabi pa niya sa akin ay.

 
 

Dr. Abangan:  Anak, kung nais mung tunay na umunlad ay magtanim ka, magtanim mg kabutihan araw-araw at makikita mo aanihin mu ang mga itinanim mong yan.

 
 

            Marami pa siyang ibinahagi sa akin, kasama na riyan ang mga karanasan niya kasama ang kanyang kaibigan na si Mayor Alfredo S. Lim na naging kaibigan niya ng ito'y kanyang gawan ng akda sa kanyang mga kolum sa dyaryo, ngunit di ko na ibabahagi ang mga bagay na iyon, ang masasabi ko lang tunay ngang huwaran ang Alkalde ng Maynila.

 
 

            Maya-maya pa ay nagpaalam na siya sa akin, ipinangako nya na bibigyan niya ako ng kanyang aklat na lakbay diwa na kompilasyon ng mga kolum nya sa dyaryo, at bago iyon ay hinawakan nya ang aking palad, nagulat ako ngunit mas higit na nagulat sa mga binitiwang kataga

 
 

Dr. Abangan:  Mahaba ang magiging buhay anak ngunit mag-ingat ka dahil pagsapit m,u ng edad 60 o 70 ay magkakasakit ka ng malubha kaya pag-ingatan ang iyong kalusugan, kung umibig ka ay taos, kaya kung mawawala ito sayo ay maaring ikasira mu, ganyan ka magmahal, at ikaw ay yayaman, may malaki kang kayamanan.

 
 

            Napaisip ako, isang guro, kolumnista at manghuhula din pala si Dr. Abangan, di man ako lubusang naniwala ngunit nag-bigay ito ng daghdag paniniwala kung anu ang aking magiging kinabukasan, at napagtanto kaya marahil siguro ako ay di pa umiibig dahil sa kadahilanang maselan akong magmahal.

 
 

            Kahapon(Biyernes, Nov 26, 2010) ay natanggap ko ang kopya ng aklat na lakbay diwa na may lagda at personal na mensahe mismo kay Dr. Abangan, at sa iilang pahina pa lamang aking nababasa ay kumukurot na ito sa puso, tunay nakapupulutan ng gintong aral ang bawat sipi, ang ibang kwento ay tumatagos sa puso.

 
 

            Naalala ko tuloy kahapon ng pagbaba mula sa jeep, pagtawid sa lansangan, sa tabi n gaming building ay may nakaupong pulubing lalaki gula-gulanit ang kanyang kasuotan, bulag at nakasandal sa dingding tila hinang-hina, sa tabi nya ay mayroong aso, yun marahil ang nagsisilbing gabay nya sa paglalakad, tangan ko sa aking mga kamay ang supot ng pagkain na ibinigay sa akin ng aking kliyente mula sa isa ko pang trabaho sa Makati, sa jeep pa lamang ay naisip ko na kung kaninu ko ito ibibigay,ng Makita ko ang pulubi ay naisp kong ibigay ito sa kanya, ngunit di ko ginawa, tiningnan ko lamang siya gaya ng marami, dala ang pagkain ay umakyat na ko sa gusali at pagpasuk sa klasrum ay iniabot ito sa aking pagbibigyan, ng akoy pauwi na napaisip ako, dapat pala ibinigay ko na lamang ang pagkain na iyun sa pulubi, madami pumasok na tanung sa akin anu na kaya ang nangyuari sa pulubing yun, isang malaking panghihinayang ang aking nadarama tuwing naalala ko ang bagay na iyun.Isang aral iyon sa akin, matitikman ko nag mga gusto kong kainin ngunit ang taong yun ay yun lang ang pagkakataon na makakainng masarap ngunit nabigo pa ako na gawin.ang dasal ko na lamang ay mas maging malakas siya sa pagharap sa mga hamon ng buhay niya kasama ang kanyang alagang aso.

 
 

            Sa mga makakabasa nito, inaanyayahan kop o kayung tunghayan ang mga kolum sa TEMPO at BALITA ni Dr. Abangan, sa Editorial Sectiuon ng dalawang dyaryo na iyun araw-araw, at bumili ng kanyang libro ang LAKBAY-DIWA, amraming aral na mapupulot, at higit sa lahat wag nyu pong palalampasin ang mga blogpost ko na hango sa aklat na LAKBAY-DIWA.

 
 

            Muli salamat po ng marami
           Pagpalain nawa tayo ng Panginoon.

Tuesday, November 2, 2010

Always check your Mailbox

Ruth went to her mail box and there was only one letter.
She picked it up and looked at it before opening, but then she looked at the envelope again. 
There was no stamp, no postmark, only her name and address.

She read the letter: 

Dear Ruth: 


I`m going to be in your neighborhood Saturday afternoon and I ' d like to stop by for a visit. 

Love Always, 
Jesus 

Her hands were shaking as she placed the letter on the table...

' Why would the Lord want to visit me? 
I ' m nobody special. I don ' t have anything to offer. '


With that thought, Ruth remembered her empty kitchen cabinets.


' Oh my goodness, I really don ' t have anything to offer. I ' ll have to run down to the store and buy something for dinner. '

She reached for her purse and counted out its contents. Five dollars and forty cents. 

Well, I can get some bread and cold cuts, at least. '

She threw on her coat and hurried out the door.
A loaf of French bread, a half-pound of sliced turkey, and a carton of milk...leaving Ruth with grand total twelve cents to last her until Monday...
Nonetheless, she felt good as she headed home, her meager offerings tucked under her arm. 


' Hey lady, can you help us,lady? ' 


Ruth had been so absorbed in her dinner plans, she hadn ' t even noticed two figures huddled in the alleyway. 
A man and a woman, both of them dressed in little more than rags.


' Look lady, I ain ' t got a job, you know, and my wife and I have been living out here on the street, and, well, now it ' s getting cold and we ' re getting kinda 
Hungry and, well, if you could help us.. Lady, we ' d really appreciate it. '

Ruth looked at them both. 
They were dirty, they smelled bad and frankly, she was certain that they could get some kind of work if they really wanted to.


' Sir, I ' d like to help you, but I ' m a poor woman myself. All I have is a few cold cuts and some bread, and I ' m having an important guest for dinner tonight and I was planning on serving that to Him. '

' Yeah, well, okay lady, I understand. Thanks anyway. '

The man put his arm around the woman ' s
Shoulders, turned and headed back into the alley..
As she watched them leave, Ruth felt a familiar twinge in her heart.

' Sir, wait! ' 

The couple stopped and turned as she ran down the alley after them.

' Look, why don ' t you take this food. I ' ll figure out something else to serve my guest... ' 

She handed the man her grocery bag. 

' Thank you lady. Thank you very much! '

' Yes, thank you! ' It was the man ' s wife, and Ruth could see now that she was shivering 
' You know, I ' ve got another coat at home.
Here, why don ' t you take this one. ' 

Ruth unbuttoned her jacket and slipped it over the woman ' s shoulders.
Then smiling, she turned and walked back to the street...without her coat and with nothing to serve her guest..

' Thank you lady! 
Thank you very much! ' 

Ruth was chilled by the time she reached her front
door, and worried too. 

The Lord was coming to visit and she didn ' t have anything to offer Him.

She fumbled through her purse for the door key. But as she did, she noticed another envelope in her mailbox. 

' That ' s odd. The mailman doesn ' t usually come twice in one day. '

Dear Ruth: 

It was so good to see you again. 
Thank you for the lovely meal. 
And thank you, too, for the beautiful coat.

Love Always, 
Jesus 


The air was still cold, but even without her coat, Ruth no longer noticed.
If you love Jesus, send this to ten people Do not keep this message.

Thursday, October 28, 2010

“Wish”


 

    Wish o kahilingan sa ating sariling wika,hindi natin maitatatwa na lahat tayo ay may kanya-kanyang "wish", maaari itoy material na bagay o di kaya ay isang kagustuhan ninanais mung magkaroon ng katuparan.

    Ibat-ibang paraan natin inuusal ang ating mga "wishes", nariyan ang magtapon tayo ng barya sa mga "wishing well o fountains",nariyan din na pag di sinasadyang mahulog ang isang pilikmata natin ay uusal ng isang wish, maging pag nakakakita ng 3 magkakahalintulad na bilang sa sasakyan o anuman ay di natin mapigilan umusal ng 'wish", marami pang pamamaraan kung paanu natin ipinapahayag ang ating mga "wishes", anuman ang mga ito, ang pagkakaroon ng katuparan ng ating mga kahilingan ay nagisisimula sa ating sarili at di magmumula sa anuman o sinupaman, ito'y nanggaling sa determinasyon at tiwala natin sa ating sariling kakayahan tuparin ang ating mga wishes na may kaakibat na isipang maunawain at pusong mapagmahal, kasama na dyan ang tulong at suporta ng mga mahal sa buhay, kaibigan o karelasyon at higit sa lahat ang pananalig sa Panginoon.

    Ang blogpost na ito ay di naman tuwirang tatalakay sa konsepto ng wish, kung hindi sa aking mga wishes, ang orihinal na pamagat nito ay "MY ALLTIME WISHLIST", ngunit mas pinilit kung paiikliin ito at pamagatang "WISH".

    Simula pa ng ako ay magka-isip, ilang milyon? O marahil ay bilyong beses na akong humiling, sa fountain, sa wishing well, sa pilikmata, sa numero at maging sa tala at shooting star o bulalakaw, iba't-ibang kahilingan, di ko narin matandaan kung alin doon ang natupad, alin ang hindi, ngunit aaminin ko sa inyo ang karamihan sa hiling na yun ay imposible talagang mangyari, bunga ng imahinasyon ng isang paslit, ikaw nasubukan mo na bang humiling na magkaroon ng VOLTES 5 o di kaya DAIMOS ang Pilipinas?, o di kaya magkaroon ng mga POWER RANGERS at MYSTIC KNIGHTS of TIRNANOG na ipaagtatanggol tayo sa mga kalaban, ilan lamang yan sa napakraming imposibleng kahilingan akong nai-usal.

    Sa pagdaan ng panahon, sa murang kaisipan ay humarap ako sa napakaraming sigalot ng buhay, kabilang na dyan ang paghihiwalay ng aking mga magulang, lumaki ako na walang kalinga ng ama, at boses at sulat lamang ng ina ang nadarama, maraming salamat na lamang sa aking mga lolo at lola na nag-aaruga sa aming magkakapatid, at sa panahong yun, tuwinang lalahok sa mga patimpalak pangkaisipan at pampisikal, aakyat sa entablado upang tanggapin ang di mabilang na parangal ay may bahagi ng aking puso ang nalulumbay, nag-aasam na sana ay may magulang na kasama sa entabladong yaon at nagpapakuha ng litrato, ngunit isa na naming kahilingan di nabigyan ng katuparan at tila din a yata mabibigyan ng katuparan, sa ngayuna y din a ako umaasam na matutupad ito, ang pag-asa ay ansa puso ko ngunit ang sumisirit na katotohanan ay di na maitatatwa.

    Dumaan pa ang mga araw nagtapos sa elementary, nalampasan ko na rin ang unag hakbang ng pag-abot sa aking mga pangarap, tapos na rin ang anim na taon na araw-araw na pabaong PISO at kung susuwertihin ay maging DOS o di kaya'y LIMA, sa mga panahong yun ay humihiling lage na sana ang piso ko ay maging isandaan ngunit isa na namang bigong kahilingan.

    Di naglaon ay tumuntong na ako ng sekondarya, dito ang baon kong PISO ay naging BENTE na araw-araw, malaki na di ho ba? Ngunit kung ikukumpara sa aking mga kamag-aral ISANDAAN ang kanilang baon, katumbas na ng aking isang linggo, di mo maaring gastusin at yun ay kung gusto mo pang makapasuk sa susunod na araw, hindi ko alam kung sa paanung paraan ko napgkakasya ang kakarampot na baon at sapagkat akoy nakakapag-pautang pa sa aking mga kamag-aral,pinilit ko muling humiling upang kahit papaanoy madagdagan ang baon, ngunit ang hiling ay may kasamang pagkilos, mula sa isandaang pisong napamaskuhan, ipinuhunan ko ito sa mga mani,stick-o kendi at anu pa mang pwedeng kutkutin at ibinenta sa aking mga kamag-aral, at mula sa naiipon ko doon ay di ko na kailangan humingi upang may maipambili ng libro o pampaxerox man lang.

    Sa tuwinang may field trip ay kinakailangan kong mag-ipon ng todo, ngunit kadalasan ay di ako umaabot s adeadline ng bayaran, kaya naman anmg ginagaway abangan ang bus kung saan lulan ng aking mga kamag-aral at kumaway na lamang, tanawin hanggang sa abot ng tingin at humiling na sanay kasama ako doon.

    Iniisip ng marami akoy isang taong walang problema, pagkat lageng masayahin,maingay, madaldal, magaslaw ikinukubli ko lamang ang kalungkutan at kakulangan sa mga bagay-bagay dahil batid ko na sa buhay na ito ang kinakailangan mo ay isang maunawaing isipan di nagtatanim ng poot sa kapalaran, pagmamahal at pagtanggap sa kung anung mayroon ka ang mas mahalaga, ngunit nararapat din na hindi ka tumitigil sa pagharap sa hagupit ng kapalaran, kinakailangan mo itong labanan, dahil sa huli ikaw ang magdidikta ng iyong kapalaran.

    Isang kamangmangan at kababawan ng pag-iisip ang sirain ang buahy dahil sa mga tinatamong paghihirap.

    Dumating ang pagtatapos sa sekondarya, Masaya ang halos lahat dahil tatapak na rin sa kolehiyo, ako man ay masaya may ngiti sa labi, isang mapait na ngiti, dahil alam ko na pagkatapos ko ng hayskul ay maaaring yun na ang aking huling beses na aapak sa paaralan at magtatapos, sapagkat halos lahat ng aking mga kamag-aral ay may mga napili ng eskwelhan at kurso ngunit ako ay wala pa ang kaisa-isang eskwelahang pinag-aplyan sa kolehiyo ay di pa nagbibigay ng sulat kung ako ba ay pumasa o hindi sa kanilang scholarship, di naglaon dumating na ang gradwesyon, di ako nakabilang sa mga mag-aaral na paparangalan, at lubos ko iyong pinagsisisihan sapagkat isa sana iyong tropeo na maibibigay ko sa aking lola lolo na nagbuhos ng panahon at hirap sa akin ngunit di ko nagawa.

    Natapos ang gradwesyon at gaya ng inaasahan ako ay di nakapasuk sa kolehiyo, sabi ng iba saying daw ang aking talino, ngiti lamang ang aking isinusukli, bawat araw na dumadaan ay humihiling ako n asana isang araw may mapdpad na mabuting nilalang sa aming bayan na handing mag-paaral ngunit isa na naman bigong kahilingan, sinubukan ko an rin ang mga sponsorship ng simbahan, nariyang nagpakuha ng larawan sa tapat ng aming sira-sirang tahanan, ngunit wala pa ring nangyari.


 

(MAY KARUGTONG…)


 


 


 

    

Friday, September 10, 2010

SI MAMA PATRING

… Magandang araw sa lahat…

Its a HOLIDAY today, as we celebrate the end of RAMADAN, we join our MUSLIM brothers for this special event in their life, at ang maganda dun sa lahat ng nagtatrabaho merun silang mahabang weekend, yahoo bakasyon tahaha, hayst…
Sa buhay natin may mga tao tayung pinapahalagahan, ibinubuhos ang pagmamahal at kailanman ay nagmarka na nag kanyang personalidad sa iyong pagkatao, ang kung may isang tao sa buhay ko na talagang iiyakan at siguro mahihirapan akong pag nawala siya ay ang aking LOLA si LOLA PATRING ang aking napaka mapag mahal na lola, siya na nagsilbing aking ina, na gumabay sa maing magkakapatid na nagmahal sa  amin, sa akin siya na nagpadama sa main ng pagkalinga ng isang INA, siya ang maituturing kong WORLD GREATEST GRAND-MOTHER! isang dakilang lolang ina, marahil pinagtatakhan nyu kung bakit sinusulat ko ang tungkol sa aking lola, namimiss ko na aksi siya huli ko pa siyang nakita nung taong 2009, at nakausap sa telepono nung August,2010, mula aksi nung nagkolehiyo at makatapos ng pag-aaral hanggang makapagtrabaho ay dito na ako sa Maynila nanirahan, di ko makakalimutan ang kanyang ngiti sa tuwinang makikita nya nag aking mga report cards nung elementary at matataas ang aking mga marka, mahigpit na yakap nag kanyang maibibigay at kahit na wala xang pinagkukunan ng pera nung mga panahong yun ay gumagawa xa ng paraan upang sa araw ng pagkilala sa mga natatanging mag-aaral sa bawat pagtatapos ng pasukan ay mabigyan nya ako ng handog kahit munti man ay napakalaking bagay na sa akin dahil iyun ay nagmula sa aking lola, mas lalu naming minahal ang aking lola, ng mawala ang aming ina na magpasahanggang ngayun ay wala kaming balita, ibinuhos nya sa main ang pagkalinga na di namin nadama sa aming ina, aaminin ko naiinggit ako sa tuwinang nakakakita ako ng isang masayang pamilya, masaya ako at nagpapasalamat sa Panginoon dahil binigyan nya kami ng isang lola na katulad ni MAMA, di ko makakalimutan ang maaliawalas nyang ngiti at mahigpit na yakap na ibinigay sa akin ng umuwi ako nung Dec, 2009 kung saan ay halos dalawang linggo din ako nag-stay bago bumalik sa maynila para sa pagbubukas na uli ng klase, sa mga panahong yun sinariwa ko ang mga alaala ng aking pagkabata kung saan nakaantabay sa tabi ang aking lola, kahit na minsan ay napapalo nya ako dahil sa katigasan at kakulitan ko na rin, sa tuwinang humahampas ang pamalo sa aking puwitan ay ang pagbukal ng lkuha sa kanyang mata habang inuusal nya ang katagang “ayaw ko kayung pinapalo, pero kinakailangan gawin ko ito!” na nung unay di ko maunawaan at minsan ay nagtatanim pa ako ng sama ng loob, na hindi ko sya papansinin kahit na nilalambing nya ako sa pamamagitan ng pagtabi sa akin sa higaan at alu-aluin, naalala ko rin sa mga panahong nagkakasakit ako ay andyan siya lagi, di makatulog dahil lubusan nag-aalala sa aking kalagayan at sinasabing “kung pwde ko lang akuin yang sakit na yan ako na ang magdadala nyan wag lang kayung mahirapan” damang dama ko ang pagmamahal ng aking lola na dahil nga kabataan ko pa nuon at di pa ko matured sa realidad ng buhay ay ipinagsasawalang bahala ko lang, naroon din ng akoy tumapak sa sekondarya sa tuwinag wala akong baon kinabukasan dahil sa pumalya nga pagdating pera ay naglalabada siya sa kapitbahay upang may maibaon lamang ako, kung tutuusin napakaliit na halaga ng ibinabayad sa paglalabada niya, nakikita ko ang pagsakit ng mga kamay niya dahil s atmabak na labada, tinitiis nya ang pagsakit ng knyang likuran at balakang habang sunong sunong ang mga labada papunta sa may kalayuang poso, upang wag lamang akong lumiban sa pagpasuk, ibinuhos nya sa akin sa amin ang lahat ng pagtya-tyaga, ang suporta maitaguyod lamang kami, pinagsisihan ko din siguro na ang maihahandog ko sa kanya nung pagtatapos ko ng highschool ay mapabilang sa top 10 ng klase ngunit nagpabaya na ako noon dahil huling taon na rin naman sa hyskul kaya di ko na gaanung binigyang pansin at dahil pagod na rin ako sa kompetisyon,pagkatapos ko ng hyskul ay nagtungo ako dito sa maynila hindi upang mag-aral kundi ngtrabaho muna, ako ang sumuporta sa pag-aaral ng aking kapatid na pangalawa hanggang matapos nya nag hyskul sa mga panhong yun sa telepono ko lamang nakakausap ang aking lola at di pa iyun kadalasan, hanggang sa magkolehiyo ako sa suporta na rin ng aking maykayang lolo na kapatid ng aking lola ay minsan na lamang ang aming kumunikasyon. kahit na nagyun nagtatarabaho ako ay bihira ko pa rin xang makausap, basta mahal na mahal ko ang aking lola di ko kaya pag nawala xa , malaking bahagi ng buhay ko ang mababawas sa pagkatao ko, dalangin ko lang sa Panginoon na maibigay ko ang mgandang buhay na inaasam ng aking lola at pagalingin sya sa karamdaman nya ngayun…hayst.. i LOVE YOU MAMA!

Monday, August 16, 2010

GAME 5: The PBA FIESTA CONFERENCE 2010 EXPERIENCE

    Wew…BASKETBOL..the FILIPINO's favorite sports,or might I say the WORLDS fave sports, totoo naman diba, di antin maitatatwa ang bagay na yan…kahit saang kanto at sulok ka ng PILIPINAS pumunta di maaring di ka makakita ng basketbol kort…hmmm, and diba nman tlga pinairal ko na naman ang aking pag ka multitasking nagtitipa sa keyboard habang nanunuod ng BOLT at habang nagtatarabaho ako oh diba naman.

    Nais ko lang i-share sa inyu aking mga readers (readers daw oh!) my experience of watching the GAME 5 of PBA FIESTA CONFERENCE 2010 between ALASKA ACES and SMB team yesterday (August 15, 2010) along with my friends, yeah I must admit were not sitting in the courtside area because hell the ticket price is enuf to support for a living ng isang pamilya sa isang araw, eh sa upperbox b kung saan kami nakpwesto is the same experience din nman ang malalasap naming, the same crowd reaction, cheering, yelling and heartbeating to the intense ang aming mararamdaman.

    I arrived at the Araneta Coloseum the match venue at around 430pm, hundreds of people are already flocked in the place, waiting for the gates to be opened, by the way to those who are interested to watch the game, you can purchase ticket at TICKETNET at 911-5555 or go at any SM Department Store then ask the guard kung saan yung ticketnet outlet, you can check the unmarked-up ticket price at www.pba.com.ph, ok, lets continue the story, ayun..my friends brought along with them foods which unfortunately not allowed in the venue, so we don't have a choice but to make our tummy full by forcing ourselves drink the soda and leaving the junkies in the counter area.

    Then we fall in line, pero sa katotohanan di naman tlga pila yun eh, yun ang isa sa mga na- noticed ko, haru..ang gulo ng pila nila, di mu alam kung saan ang patron at upperbox…aakalain mung pumunta ka sa sabong dahil sa sigawan ng mga tao, pero anyweiz, magreklamo man ako, napakinabangan ko nman yung pagiging dis-organized nila, dahil nakapasuk din kami agad, kawawa naman yung mga nakapila dun sa mahabang linya…at ito pa bawal ang foods pero dahil s adami ng taong manunuod ayun..di na nila natse-tsek ang bag, kaya lam mu naman ang mga PINOY gagawa tlga ng paraan, in short nakapuslit ang ibang mga pagkain.

    Then upon entering the venue, for the information of everyone that's my first time to get inside the coliseum, who had been the witness of many historical events in the country,we look for a place which will give us the best spot, pagpasuk namin dun, players from both team, were busy for their what you called it warm-up, and it seems, that rivalry just heat up when they are playing, but not before that because I saw some of them exchanging taps and smiles on each other, we just don't know if the same thing goes after the game.

    After 48 years of waiting whom we let it passed by chitchatting and taking countless photographs, here comes it, the event begun with the singing of the national anthem, then here comes the thunder voice of the v.o(voice over) introducing the entrance of the San Miguel Beermen players, welcomed by a drumbeat and the yelling Beermen supporters, same thing goes with the ALASKA Aces team in which by the way supporters wear red, stars and politician were also spotted in the venue like real life sweetheart Billy C. and Nikki Gil, and the controversial sweethearts Shaina M and John Lloyd Cruz, as well as former FG Mike Arroyo and Senate Pres.Enrile, also doing the announcement during breaks, I believe radios's famous DJ "PAPAJACK".

    All right, at ito na nagsimula na ang laban, unang nakapuntos ang BEERMEN, na sinalubong agad ng malakas na hiyawan mula sa mga taga suporta nito, tila matindi ang pagpupursigi ng SMB sa laban na ito dahil kung matatalo sila ay katapusan na ng conference at panalo na ang Alaska Aces. Naging patas ang puntos ng bawat koponan sa mga iskor na 16, 18 at 20 natapos ang 1st round sa 20-26 pabor sa Beermen.

    After minutes of break, ratsada na naman ang labanan, sa pagsisimula pa lamang ng 2nd round ay rumatsada na gad ng apat na puntos ang SMB, bago magkalahatian ang round ay mayroon nang 33 puntos nag SMB, muli nag tie ang mga iskor sa 35 at 37, bago magtapos ang laban ay muntik-muntikan ng magkaroon ng mainit ng eksena ng magpagulong gulong nag dalawang player sa pag-aagawan ng bola, mabuti na laamng ang naawat agad ng referee natapos ang 2nd round sa iskor na 39-50 pabor sa SMB.

    Tila nabuhay ang dugo ng Aces dahil bumuslo agad ang mga ito ng 3 puntos, upang umiskor ng 41 sa pagsisimula ng 3rd round, makalipas ang ilang pang mg tira ang iskor ay pumalo sa 52-50 pabor sa Aces, matindi na ang sigfawan sa loob ng Coloseum, ngunit naputol ang kasiyahang ito ng makabuslo ang SMB ng 3pts, sa round na ito maraming foul ang tinawag ng referee sa SMB, sa round din na ito naganap ang mga bagsakan at pagsuot sa ilalim ng mga manlalaro sa kapwa manlalaro, 62-66 lamang ang SMB, ang oras na nalalabi ay 2:41, ilang natira pa ng SMB at natapos ang round na ito sa iskor na 69-75 pabor pa rin sa Beermen.

    Last round, walang nakakaalam sa larong basketbol hanggang di natatapos ang oras di mo masasabing panalo na nag koponan nyu, 79-89 tila lumaki na ang kalamangan ng SMB sa Aces, 3:39 ang oras ang iskor ay 86-91 pabor pa rin sa sa SMB, tumira ang Aces ng 3points ang iskor ay nasa 90-94 lamang pa rin ang SMB, din a magkamayaw ang hiyawan sa Araneta, 93-96 ang sumunod na iskor pabor pa rin sa SMB ramdam na ramdam mo nag kaba sa bawat tag suporta, heart stopping ika nga nag mga sumunod na pangyayari ngunit tila gabi yata ito ng Beermen dahil natapos ang laro sa iskor na 94-96, sapat upang magkaroon pa ng Game 6 na gaganapin sa Miyerkules, August 18.

    Isang napakasayang karanasan ang panunuod ko ng larong basketbol kahapon. GO GO ALASKA…

    

Friday, August 13, 2010

ANG PAMILYA (MY VERY FIRST PLAYSCRIPT)

Ang dulang ito ay naisulat ko, nung mga panahon, kinakailangan naming bumuo ng isang dula na aming itatanghal dapat sa entablado bilang bahagi ng asignaturang HUMANIDADES, nung nasa ikalawang taon ako ng aking pag-aaral sa kolehiyo, ngunit kalaunay di na antuloy ang pagsasadula nito, sa kadahilanang inulan ito ng batikos dahil sa maraming gastusin nga naman sa pagsasadula nito, at bukod pa duon ay ang napakagsatos an pag-imbita namin sa mga NATIONAL ARTIST ng PILIPINAS..pero ayus lang…pagpasensyahan nyu na po ang pangit kong script


 

PAMILYA


 

Mga Tauhan:
Enrico (E)- mahigpit na ama
Carmen (C): ina
Mga anak:
Jorge (J): panganay na anak
Jacque (Ja): pangalawang anak
Celine (Ce): pangatlong anak
Ricardo o Rica (R): pang-apat at baklang anak
Michael (M): bunso at retarded na anak
Kristine (K): girlprend ni Jorge
Rafael(Ra): ang mahal ni Ricardo
Aling Corazon: katulong
F1-kaibigang bading ni Rica 1
F2- kaibigang bading ni Rica 2
 
Tagpo I:
                Sa isang sala na kakikitaan ng karangyaan sa buhay. Papasok si Jorge na parang lasing at pasuray-suray na maglalakad ito  habang hithit ang sigarilyo, at sunod-sunod na magbubuga ng usok, lilinga-linga ito para tiyakin kung may tao sa sala, nang biglang bumukas ang ilaw.
 
E: Jorge? (sa matigas na pananalita)
J: (dali-daling ilalaglag ang sigarilyo at pasimpleng aapakan ng paa, lalapit sa ama at kukunin ang kamay) Mano po, Papa!
E: (Imbes na tugunin ang pagbibigay galang ng anak ay isang matunog na sampal ang tumama dito) Tarantado ka! At kelan ka pang natutung magbisyo ha? Yan ba ang tinuturo ng eskwelahan o ng tarantadong barkada na yan!
J: (titingin sa ama, kaaninagan ng galit nag mukha, ngunit walang salitang maririnig mula dito)
E: Sumagot ka, Jorge! Napakawalang-respeto mo! Yan pa ba ang igaganti mo sa akin?!(Galit ang tono ng pananalita)
J: (kikibot-kibot ang bibig waring may nais sabihin, kasabay ng pagtulo ng luha ang pagtalikod nito sa ama, at pagtabig ng plorera na nasa gilid ng mesa pag-akyat nito)
E: Jorge! Jorge! Kinakausap kita! Punyeta ka! Bumalik ka rito! Napakatigas na nangn iyong ulo!       
Papasuk si Carmen
C: Enrico ano ba ang nangyayari dito ha? Bakit ka sumisigaw?
E: (di papansinin ang asawa) Jorge! Bumalik ka rito, huwag mo kong hintayin na pumasok ako dyan! Masasaktan ka! Jorge! (akmang paakyat nang harangin ni Carmen)
C: Anu ba ang ikinagagalit mo sa ating anak! Enrico? (naghihisteryang tanong nito sa asawa)
E: dahil ang mayabang mong anak na yan ay napakawalang respeto! kulang sa disiplina,kaya nararapat lamang na disiplinahin  ko siya, upang di maging demonyo tulad ng ibang kabataan dyan!
C: Pero Enrico, hindi mo ba pwedeng kausapin lamang siya nang mahinahon, ito lang naman ang unang pagkakataon na ginawa niya ito!
E: kaya lumalaki ang mga ulo niyan eh! Dahil sa pangungusinti mo! Mga bastos at walang respeto! Di na ako magtataka kung balang araw pati ikaw ay bastusin na rin ng mga walang galang mong anak!
                lalabas si Jorge, na dala nag isang bag at tipong maglalayas.
J: Ikaw Papa, pwede naming hindi galangin pero ang mama, hinding- hindi namin gagawin yun sa kanya!

Lalabas si Ricardo, na halatang nagpipigil lamang ng pagkabakla, ngunit ng makita ang ama ay bigla itong naging lalaki
R: kuya!!
J: (titingnan ng masama nag kapatid at magtutuloy-tuloy sa sala sa harap ng amat-ina, makikipagsukatan ng tingin sa ama) Bakit Papa?, hindi kayo makasagot, hindi nyo ba matanggap na si mama lang ang mahal namin?! Anung nararamdam niyo Papa?
E: (Akmang sasampalin ang anak) Bastos!
J: Sige Papa! ituloy niyu! dyan naman kayo magaling e!
C: Enrico!, Jorge! anu ba tumigil kayu!
E: Sige, lumayas ka pairalin mu ang kagaguhan mo! Tandaan mu sa oras na lumabas ka ng pamamahay na ito ay pagsisihan mo ang naging desisyon mu!
J: Matagal na akong nagsisi Papa, mula nang maging ama kita, Nakikita kita, nakakasama! pero hindi ko kayo nararamdaman!
C: Jorge, wag kang magsalita sa ama mo ng ganyan!
J: Ama mas gugustuhin ko pang hindi ako nabuhay kong alam ko lang na siya ang magiging ama ko!
R: kuya! Wag kang ganyan! Ama pa rin natin siya!!
J: tumahimik ka Ricardo!
R: (mapapalunok ng konti, dahil sa narinig ang pagtawag sa buong pangalan niya)
E: At kung alam ko lang na ganito ang magiging anak ko, sana di ka na lang nabuhay! Suwail ka, at walang respeto! Anu pang hinihintay mu lumayas ka! Layas!(Duduruin si Jorge, at ituturo ang pinto!)
J: ( mabilis ang hakbang patungo sa pinto, ngunit hahabulin siya nina Carmen at Ricardo)
C: (umiiyak na yayakapin ang anak) Jorge, anak! Huwag mong gawin yan mahihirapan ka lamang!
R: (hawak ang bag ng kapatid) Oo nga kuya, huwag ka nang umalis, intindihin mo na lang ang papa!
J: Intindihin! Sawa na akong umintindi sa kanya! Mama! Buo na ang pasya ko! Kesa naman buong buhay na impyerno  ang danasin ko! Mas makakabuti na umalis na lamang ako!
E: (Pasigaw) Carmen! Ricardo! Pumasuk na kayo ditto, hayaan nyu ang suwail na yan! But one thing is for sure hes not going to like the mess that I'm going to do in his life! Paglabas niya ng pintuang yan!
C: Enrico, Patawarin ka ng Diyos!
E: Pumasok kayo dito, pabayaan nyu siya!!
C: (Umiiyak na hahalikan at yayakapin ng mahigpit ang anak, makikiyakap din si Ricardo)
J: Mama mag-iingat po kayo, mahal ko po kayo, Tolz alagaan mo sila mama ha, pati na rin sila Jacque, Celine, lalo na si Michael.
R: Kuya naman eh! Pinapaiyak mo ko, ung make-up ko! Echos lang!
J: (Pabirong babatukan ang kapatid) Gago! Magpakalalake ka nga, baka bugbugin ka ng kontrabida!
E: Anu ba? Carmen! Ricardo! Hindi ba kau papasok dito ha!
C: Mag-iingat ka anak, mahal na mahal kita!
J: Paalam mama!

R: Ingat ka kuya ha!
                Dahan-dahan  lalayo si Jorge at magsasara ang tabing!

ANG PAMILYA (PART III and IV)

Tagpo III
                Papasok si Enrico sa isang silid na salat sa anumang gamit at bakas ang kahirapan sa anyo nito
K: Sino po sila?
E: ( Titingnan ang babae mula ulo hanggang paa, pabalik at diretsong titigan ito sa mukha at tatalikod)
K: Ano po ang kailangan nyu, hindi ko po kayo kilala at
E: Magkano? (nanunuyang titingnan nito ang babae at muling tatalikod)
K: Anung ibig niyo pong sabihin, hindi ko po kayu maintindihan!
E: Name your price! Young slut! Magkanu para layuan mo ang anak ko ha!
K: Slut? Hindi po ako ganoong klase ng babae, at hindi ako tumatanggap ng bayad lalo na kung magmumula yun sa taong sumisira ng buhay ng mahal ko!
E: Oh come on! Don't play trick with me bitch! Im not stupid, just a glance of you, I know na mukha kang pera and that love that you were talking about is just one of the sweet words why my son has fallen into your trap! You don't know me! But I do know you! Bitch!
K: I'm not a slut, mas lalong hindi ako bitch, mahal ko si Jorge, at alam kong mahal niya ko, at bakit ba patuloy pa rin kayong nakikialam sa buhay niya, diba pinalayas niyu na siya!  At mula sa oras na yun ay malaya na siya sa poder niyu, pero bakit gusto niyu pa rin siyang ipailalim sa inyu, wala kayong awa. Sakim nga kaung talaga!
E: Enough of that! You have no choice, take the money or leave my son! Or else youre not gonna like kung anu ang kaya kong gawin! Don't dare me! At wag ka nang mag-pakaipokrita, dahil hindi bagay sayo!
E: (tangkang sasampalin si Enrico, ngunit sasalagin ito ng kamay na may panyo at parang nandidiring bibitawan iyon, at itatapon sa mukha ang panyo) Don't you dare put a single finger on me!Ang basurang tulad mo ay hindi nababagay sa mga katulad  naming, lalu na sa aking anak! (Kukuha ng bungkos ng salapi mula sa amerikanang suot at isasaboy iyon sa hilam ng luha na mukha ng dalaga) ADIOS!
K:( Titigan ang pera at isa-isa itong pupulutin, kasabay ng pagtulo ng luha) Patawarin mo ako Jorge!mahal kita pero hindi ko kaya ang pamilya mo! Lalo na ang hayop mung ama! Napakasama niya!
magsasara ang tabing


 

Tagpo IV
                Pagdating sa bahay ni Jorge
J: Kristine? May dala akong pasalubong! ( makikita si Kristine at yayakapin ito)
K: Aalis na  ako Jorge?
J: bakit? May nagawa ba akong mali? May problema ba?, may kasalanan ba ako? Anu? Kristine sumagot ka?
K: Wala!
J: Anung wala?, paanong wala? Pwede mo naman yatang ipaliwanag sa akin!
K: Bayad na ako!
J: hindi kita maintindihan, ipaliwanag mo sa akin, anu ba  talaga ang  problema?
K: Bayad na  ako, binayaran na ako ng papa mo! Para iwanan ka! Kaya aalis na ako!
J: Pero mahal mo ako? diba?, mahal kita  Kristine!
K: Pero hindi tayo mabubuhay ng pagmamahal lang, tama ang papa mo hindi ko kailangan magpaka-ipokrita!
J: Kristine, mahal na mahal kita at hindi ko kakayanin na mawawala ka sa akin! Lalayo tayo sa Papa! Sa hindi niya magugulo ang relasyon natin!
K: Kaya mo Jorge, dahil kaya ko at wala kang mapapala sa akin! Naibigay ko na sayo ang bagay na pinakaiingatan ko! Sana bumalik ka na sa pamilya mo! Paalam Jorge!
J: Kristine, sabihin mo nagbibiro ka lang! Sabihin mong mahal mo ako! Na mahal na mahal mo ako at nagbibiro ka lang!
K: Mahal kita, pero hindi ako nagbibiro! Paalam Jorge, kung anuman ang magiging bunga ng nangyari sa atin ay magiging isang masayang alaala na lang sa akin!(maglalakad ito palayo, pilit kinukubli ang luha sa mata)
J: Kristine! Kristine! (sigaw nito sa babaeng papalayo) Hayop ka papa! Napakasama mo talaga! Bakit kailangan lagi mo na lang kaming pakialaman!(Ibabato ang dalang pasalubong kay Kristine at magwawala ito sa kwarto)
                MAGSASARA ANG TABING

ANG PAMILYA (PART V and VI)

Tagpo V
                Sa sala, masinsinag nag-uusap sina Enrico at Carmen
C: Enrico, ano ka ba mas lalo kang mahihirapan sa ginagawa mong yan!
E: Alam ko ang ginagawa ko, Carmen
C: Sa palagay mo ba tama ang ginagawa mo ha! Di mo lamang pinapahirapan ang sarili mo. Pati ako at mas lalo na ang mga  anak mo!
E: mas nanaisin ko pa yun!
C: mas gugustuhin mo pang mas lalo kang kamuhian ng mga anak mo ha?
E: Oo, mas gusto ko pa yun kesa malaman nila akung ano ang totoong kalagayan ko!
C: at ako mas gusto mo pang isipin nila na sunud-sunuran ako sa iyo, napakahirap para sa akin nun Enrico!
E: Carmen mas mabuti nang hindi nila alam ang totoo, mamuhi na sila sa akin pero ginagawa ko lamang ito alang-alang sa kapakanan nila! Upang sa aking paglisan ay maayos ang buhay nila!
C: :Pero lalo lamang silang namumuhi sayo! Sa mga pakikialam mo, sa pagsasawalang bahala sa kanilang damdamin, hindi mo napapansin huli na pala ang lahat sa inaaakala mo! Hanggang kailan ka magmamatigas? Hanggang kalian ka magkukunwari? Hanggang saan ang mararating ng bawat desisyon mu?
E: Hindi ko alam kung hanggang kalian at saan pero alam ko tama lamang ito!
C: di ko na rin alam Enrico, sana nga maging maayos ang lahat!
E: Maraming salamat Carmen, napakabuti mong asawa, kaya mahal na mahal kita!(hahawakan ang pisngi nito)
C: Mahal din kita Enrico! Mahal na mahal at di ko alam kung kakayanin kong mawala ka sa akin! (hahawakan din nito ang pisngi ng asawa at magyayakap sila ng mahigpit)


 

TAGPO VI
                Makikita ang isang kama, nakahiga si Jakie na nababalutan lamang ng tapis katabi ang isang lalake at nasa aktong maghahalikan na sila ng bumukas ang pinto at
C: hesusmaryosep! Jacqueline? Patawarin ka ng Diyos!
Ja: Wala akong sinabing pumasok kayu mama, at mas lalong hindi ko sinabing bawal kumatok!
C: (Susugurin ang lalaki at pagbababayuin ito) Hayop ka! Lumayas ka dito! Layas! (nagmamadaling tatakbo ang lalaki bitbit ang pantalon at shirt nito)
Ja: Mama, tama na, kasalanan  nyu naman, Hayaan nyu na siya!(nanigarilyo ito, ngunit kukunin ni Carmen at ilalagay sa  asthray, sabay bigay ng mag-asawang sampal sa anak)
C: Hindi mo na iginalang ang tahanan ng iyong ama! Nasaan ang delikadesa mo ha!
Ja: Wala mama, wala ako nun! Nakakagulat diba na ang isang aspiring madre-mongha-sister-alagad ng Diyos na tulad ko ay nagpapakababoy! Nagpapakasira!
C: patawarin ka ng Diyos! Paanu mu nasasabi ang mga bagay na yan?
Ja: Mama, hindi na ako tatanggapin ng Diyos, kaya kay Satanas na lang ako, total ay sanay na rin naman ako! Impyerno dito, impyerno pa doon, Di hapi! (tatalikuran ang ina)
C: Paanu pag nalaman ito ng iyong Papa?
Ja: E di nalaman problema ba yun!  Bakit nyu ba ipinagdadamot ang kaligayahan ko ha, Mama, nang pinilit niyo akong mag-madre! Isinaalang-alang nyu bang damdamin ko!Kayo ni Papa, Hindi dahil ang alam niyo ay ang mga dahilan niyo, madamot kayo! Ang damot-damot niyu!
C: Jacqueline, patawarin mo ko pero hindi ko ginusto ang bagay na yun, ang papa mu ang may gusto! Anung magagawa ko?
Ja: Asawa niya kayo mama malaki ang magagawa niyu, pero kami mga anak niya lang kami! Na dapat ay sundin siya! Mama! Hanggang kailan mama? Kailan ka magigising? Hanggang kailan ka magiging sunod-sunuran? Asawa ka niya at hindi isang utusan! Nasaan ang silbi ng pagiging asawa dun?  Ang silbi ng pagiging ina? Wala mama! Wala!
C: Hindi totoo yan! Mahal ko ang papa niyo! At alam ko kung anu ang totoo kaya ko ginagawa ang  bagay na ito!
Ja: At kami hindi niyo kami mahal kaya hindi niyo kaming magawang ipaglaban, bigyan ng karapatan? Ng kalayaan? Ikaw lang ang nagmamahal mama!
C: Nasasabi mo lang yan dahil masama ang loob mo!
Ja: Hindi lang sama ng loob mama! Galit, nagagalit ako sa kanya! Patawarin niyo ako pero yun ang mararamdaman ko! Kaya ginagawa ko ang mga bagay na ito, at hindi ako natatakot malaman niya man to, mas gugustuhin ko pa nga yun! Mabuti pa ang Kuya, may lakas ng loob kahit papaanu na suwayin ang papa! E kayo kailan? Kami kailan?
C: Mahal kong anak! Bakit kayo nagkakaganito! Hindi ko magawang sisihin ang ama ninyo, dahil alam kong ginagawa niya lamang ang bagay na ito dahil alam niyang makabubuti ito! Pero bakit ganun?
Ja: Hindi niya  alam kung ano ang makabubuti, dahil ang alam niya lang ay ang pansarili niyang kalagayan! Iniisip niya ba n a sa bawat desisyong ginagawa niya sa buhay namin ay sinisira niya nang unti-unti ang buhay namin!
C: Anak ko!(Yayakapin ang anak at magsasara ng tabing)