Monday, August 16, 2010

GAME 5: The PBA FIESTA CONFERENCE 2010 EXPERIENCE

    Wew…BASKETBOL..the FILIPINO's favorite sports,or might I say the WORLDS fave sports, totoo naman diba, di antin maitatatwa ang bagay na yan…kahit saang kanto at sulok ka ng PILIPINAS pumunta di maaring di ka makakita ng basketbol kort…hmmm, and diba nman tlga pinairal ko na naman ang aking pag ka multitasking nagtitipa sa keyboard habang nanunuod ng BOLT at habang nagtatarabaho ako oh diba naman.

    Nais ko lang i-share sa inyu aking mga readers (readers daw oh!) my experience of watching the GAME 5 of PBA FIESTA CONFERENCE 2010 between ALASKA ACES and SMB team yesterday (August 15, 2010) along with my friends, yeah I must admit were not sitting in the courtside area because hell the ticket price is enuf to support for a living ng isang pamilya sa isang araw, eh sa upperbox b kung saan kami nakpwesto is the same experience din nman ang malalasap naming, the same crowd reaction, cheering, yelling and heartbeating to the intense ang aming mararamdaman.

    I arrived at the Araneta Coloseum the match venue at around 430pm, hundreds of people are already flocked in the place, waiting for the gates to be opened, by the way to those who are interested to watch the game, you can purchase ticket at TICKETNET at 911-5555 or go at any SM Department Store then ask the guard kung saan yung ticketnet outlet, you can check the unmarked-up ticket price at www.pba.com.ph, ok, lets continue the story, ayun..my friends brought along with them foods which unfortunately not allowed in the venue, so we don't have a choice but to make our tummy full by forcing ourselves drink the soda and leaving the junkies in the counter area.

    Then we fall in line, pero sa katotohanan di naman tlga pila yun eh, yun ang isa sa mga na- noticed ko, haru..ang gulo ng pila nila, di mu alam kung saan ang patron at upperbox…aakalain mung pumunta ka sa sabong dahil sa sigawan ng mga tao, pero anyweiz, magreklamo man ako, napakinabangan ko nman yung pagiging dis-organized nila, dahil nakapasuk din kami agad, kawawa naman yung mga nakapila dun sa mahabang linya…at ito pa bawal ang foods pero dahil s adami ng taong manunuod ayun..di na nila natse-tsek ang bag, kaya lam mu naman ang mga PINOY gagawa tlga ng paraan, in short nakapuslit ang ibang mga pagkain.

    Then upon entering the venue, for the information of everyone that's my first time to get inside the coliseum, who had been the witness of many historical events in the country,we look for a place which will give us the best spot, pagpasuk namin dun, players from both team, were busy for their what you called it warm-up, and it seems, that rivalry just heat up when they are playing, but not before that because I saw some of them exchanging taps and smiles on each other, we just don't know if the same thing goes after the game.

    After 48 years of waiting whom we let it passed by chitchatting and taking countless photographs, here comes it, the event begun with the singing of the national anthem, then here comes the thunder voice of the v.o(voice over) introducing the entrance of the San Miguel Beermen players, welcomed by a drumbeat and the yelling Beermen supporters, same thing goes with the ALASKA Aces team in which by the way supporters wear red, stars and politician were also spotted in the venue like real life sweetheart Billy C. and Nikki Gil, and the controversial sweethearts Shaina M and John Lloyd Cruz, as well as former FG Mike Arroyo and Senate Pres.Enrile, also doing the announcement during breaks, I believe radios's famous DJ "PAPAJACK".

    All right, at ito na nagsimula na ang laban, unang nakapuntos ang BEERMEN, na sinalubong agad ng malakas na hiyawan mula sa mga taga suporta nito, tila matindi ang pagpupursigi ng SMB sa laban na ito dahil kung matatalo sila ay katapusan na ng conference at panalo na ang Alaska Aces. Naging patas ang puntos ng bawat koponan sa mga iskor na 16, 18 at 20 natapos ang 1st round sa 20-26 pabor sa Beermen.

    After minutes of break, ratsada na naman ang labanan, sa pagsisimula pa lamang ng 2nd round ay rumatsada na gad ng apat na puntos ang SMB, bago magkalahatian ang round ay mayroon nang 33 puntos nag SMB, muli nag tie ang mga iskor sa 35 at 37, bago magtapos ang laban ay muntik-muntikan ng magkaroon ng mainit ng eksena ng magpagulong gulong nag dalawang player sa pag-aagawan ng bola, mabuti na laamng ang naawat agad ng referee natapos ang 2nd round sa iskor na 39-50 pabor sa SMB.

    Tila nabuhay ang dugo ng Aces dahil bumuslo agad ang mga ito ng 3 puntos, upang umiskor ng 41 sa pagsisimula ng 3rd round, makalipas ang ilang pang mg tira ang iskor ay pumalo sa 52-50 pabor sa Aces, matindi na ang sigfawan sa loob ng Coloseum, ngunit naputol ang kasiyahang ito ng makabuslo ang SMB ng 3pts, sa round na ito maraming foul ang tinawag ng referee sa SMB, sa round din na ito naganap ang mga bagsakan at pagsuot sa ilalim ng mga manlalaro sa kapwa manlalaro, 62-66 lamang ang SMB, ang oras na nalalabi ay 2:41, ilang natira pa ng SMB at natapos ang round na ito sa iskor na 69-75 pabor pa rin sa Beermen.

    Last round, walang nakakaalam sa larong basketbol hanggang di natatapos ang oras di mo masasabing panalo na nag koponan nyu, 79-89 tila lumaki na ang kalamangan ng SMB sa Aces, 3:39 ang oras ang iskor ay 86-91 pabor pa rin sa sa SMB, tumira ang Aces ng 3points ang iskor ay nasa 90-94 lamang pa rin ang SMB, din a magkamayaw ang hiyawan sa Araneta, 93-96 ang sumunod na iskor pabor pa rin sa SMB ramdam na ramdam mo nag kaba sa bawat tag suporta, heart stopping ika nga nag mga sumunod na pangyayari ngunit tila gabi yata ito ng Beermen dahil natapos ang laro sa iskor na 94-96, sapat upang magkaroon pa ng Game 6 na gaganapin sa Miyerkules, August 18.

    Isang napakasayang karanasan ang panunuod ko ng larong basketbol kahapon. GO GO ALASKA…

    

Friday, August 13, 2010

ANG PAMILYA (MY VERY FIRST PLAYSCRIPT)

Ang dulang ito ay naisulat ko, nung mga panahon, kinakailangan naming bumuo ng isang dula na aming itatanghal dapat sa entablado bilang bahagi ng asignaturang HUMANIDADES, nung nasa ikalawang taon ako ng aking pag-aaral sa kolehiyo, ngunit kalaunay di na antuloy ang pagsasadula nito, sa kadahilanang inulan ito ng batikos dahil sa maraming gastusin nga naman sa pagsasadula nito, at bukod pa duon ay ang napakagsatos an pag-imbita namin sa mga NATIONAL ARTIST ng PILIPINAS..pero ayus lang…pagpasensyahan nyu na po ang pangit kong script


 

PAMILYA


 

Mga Tauhan:
Enrico (E)- mahigpit na ama
Carmen (C): ina
Mga anak:
Jorge (J): panganay na anak
Jacque (Ja): pangalawang anak
Celine (Ce): pangatlong anak
Ricardo o Rica (R): pang-apat at baklang anak
Michael (M): bunso at retarded na anak
Kristine (K): girlprend ni Jorge
Rafael(Ra): ang mahal ni Ricardo
Aling Corazon: katulong
F1-kaibigang bading ni Rica 1
F2- kaibigang bading ni Rica 2
 
Tagpo I:
                Sa isang sala na kakikitaan ng karangyaan sa buhay. Papasok si Jorge na parang lasing at pasuray-suray na maglalakad ito  habang hithit ang sigarilyo, at sunod-sunod na magbubuga ng usok, lilinga-linga ito para tiyakin kung may tao sa sala, nang biglang bumukas ang ilaw.
 
E: Jorge? (sa matigas na pananalita)
J: (dali-daling ilalaglag ang sigarilyo at pasimpleng aapakan ng paa, lalapit sa ama at kukunin ang kamay) Mano po, Papa!
E: (Imbes na tugunin ang pagbibigay galang ng anak ay isang matunog na sampal ang tumama dito) Tarantado ka! At kelan ka pang natutung magbisyo ha? Yan ba ang tinuturo ng eskwelahan o ng tarantadong barkada na yan!
J: (titingin sa ama, kaaninagan ng galit nag mukha, ngunit walang salitang maririnig mula dito)
E: Sumagot ka, Jorge! Napakawalang-respeto mo! Yan pa ba ang igaganti mo sa akin?!(Galit ang tono ng pananalita)
J: (kikibot-kibot ang bibig waring may nais sabihin, kasabay ng pagtulo ng luha ang pagtalikod nito sa ama, at pagtabig ng plorera na nasa gilid ng mesa pag-akyat nito)
E: Jorge! Jorge! Kinakausap kita! Punyeta ka! Bumalik ka rito! Napakatigas na nangn iyong ulo!       
Papasuk si Carmen
C: Enrico ano ba ang nangyayari dito ha? Bakit ka sumisigaw?
E: (di papansinin ang asawa) Jorge! Bumalik ka rito, huwag mo kong hintayin na pumasok ako dyan! Masasaktan ka! Jorge! (akmang paakyat nang harangin ni Carmen)
C: Anu ba ang ikinagagalit mo sa ating anak! Enrico? (naghihisteryang tanong nito sa asawa)
E: dahil ang mayabang mong anak na yan ay napakawalang respeto! kulang sa disiplina,kaya nararapat lamang na disiplinahin  ko siya, upang di maging demonyo tulad ng ibang kabataan dyan!
C: Pero Enrico, hindi mo ba pwedeng kausapin lamang siya nang mahinahon, ito lang naman ang unang pagkakataon na ginawa niya ito!
E: kaya lumalaki ang mga ulo niyan eh! Dahil sa pangungusinti mo! Mga bastos at walang respeto! Di na ako magtataka kung balang araw pati ikaw ay bastusin na rin ng mga walang galang mong anak!
                lalabas si Jorge, na dala nag isang bag at tipong maglalayas.
J: Ikaw Papa, pwede naming hindi galangin pero ang mama, hinding- hindi namin gagawin yun sa kanya!

Lalabas si Ricardo, na halatang nagpipigil lamang ng pagkabakla, ngunit ng makita ang ama ay bigla itong naging lalaki
R: kuya!!
J: (titingnan ng masama nag kapatid at magtutuloy-tuloy sa sala sa harap ng amat-ina, makikipagsukatan ng tingin sa ama) Bakit Papa?, hindi kayo makasagot, hindi nyo ba matanggap na si mama lang ang mahal namin?! Anung nararamdam niyo Papa?
E: (Akmang sasampalin ang anak) Bastos!
J: Sige Papa! ituloy niyu! dyan naman kayo magaling e!
C: Enrico!, Jorge! anu ba tumigil kayu!
E: Sige, lumayas ka pairalin mu ang kagaguhan mo! Tandaan mu sa oras na lumabas ka ng pamamahay na ito ay pagsisihan mo ang naging desisyon mu!
J: Matagal na akong nagsisi Papa, mula nang maging ama kita, Nakikita kita, nakakasama! pero hindi ko kayo nararamdaman!
C: Jorge, wag kang magsalita sa ama mo ng ganyan!
J: Ama mas gugustuhin ko pang hindi ako nabuhay kong alam ko lang na siya ang magiging ama ko!
R: kuya! Wag kang ganyan! Ama pa rin natin siya!!
J: tumahimik ka Ricardo!
R: (mapapalunok ng konti, dahil sa narinig ang pagtawag sa buong pangalan niya)
E: At kung alam ko lang na ganito ang magiging anak ko, sana di ka na lang nabuhay! Suwail ka, at walang respeto! Anu pang hinihintay mu lumayas ka! Layas!(Duduruin si Jorge, at ituturo ang pinto!)
J: ( mabilis ang hakbang patungo sa pinto, ngunit hahabulin siya nina Carmen at Ricardo)
C: (umiiyak na yayakapin ang anak) Jorge, anak! Huwag mong gawin yan mahihirapan ka lamang!
R: (hawak ang bag ng kapatid) Oo nga kuya, huwag ka nang umalis, intindihin mo na lang ang papa!
J: Intindihin! Sawa na akong umintindi sa kanya! Mama! Buo na ang pasya ko! Kesa naman buong buhay na impyerno  ang danasin ko! Mas makakabuti na umalis na lamang ako!
E: (Pasigaw) Carmen! Ricardo! Pumasuk na kayo ditto, hayaan nyu ang suwail na yan! But one thing is for sure hes not going to like the mess that I'm going to do in his life! Paglabas niya ng pintuang yan!
C: Enrico, Patawarin ka ng Diyos!
E: Pumasok kayo dito, pabayaan nyu siya!!
C: (Umiiyak na hahalikan at yayakapin ng mahigpit ang anak, makikiyakap din si Ricardo)
J: Mama mag-iingat po kayo, mahal ko po kayo, Tolz alagaan mo sila mama ha, pati na rin sila Jacque, Celine, lalo na si Michael.
R: Kuya naman eh! Pinapaiyak mo ko, ung make-up ko! Echos lang!
J: (Pabirong babatukan ang kapatid) Gago! Magpakalalake ka nga, baka bugbugin ka ng kontrabida!
E: Anu ba? Carmen! Ricardo! Hindi ba kau papasok dito ha!
C: Mag-iingat ka anak, mahal na mahal kita!
J: Paalam mama!

R: Ingat ka kuya ha!
                Dahan-dahan  lalayo si Jorge at magsasara ang tabing!

ANG PAMILYA (PART III and IV)

Tagpo III
                Papasok si Enrico sa isang silid na salat sa anumang gamit at bakas ang kahirapan sa anyo nito
K: Sino po sila?
E: ( Titingnan ang babae mula ulo hanggang paa, pabalik at diretsong titigan ito sa mukha at tatalikod)
K: Ano po ang kailangan nyu, hindi ko po kayo kilala at
E: Magkano? (nanunuyang titingnan nito ang babae at muling tatalikod)
K: Anung ibig niyo pong sabihin, hindi ko po kayu maintindihan!
E: Name your price! Young slut! Magkanu para layuan mo ang anak ko ha!
K: Slut? Hindi po ako ganoong klase ng babae, at hindi ako tumatanggap ng bayad lalo na kung magmumula yun sa taong sumisira ng buhay ng mahal ko!
E: Oh come on! Don't play trick with me bitch! Im not stupid, just a glance of you, I know na mukha kang pera and that love that you were talking about is just one of the sweet words why my son has fallen into your trap! You don't know me! But I do know you! Bitch!
K: I'm not a slut, mas lalong hindi ako bitch, mahal ko si Jorge, at alam kong mahal niya ko, at bakit ba patuloy pa rin kayong nakikialam sa buhay niya, diba pinalayas niyu na siya!  At mula sa oras na yun ay malaya na siya sa poder niyu, pero bakit gusto niyu pa rin siyang ipailalim sa inyu, wala kayong awa. Sakim nga kaung talaga!
E: Enough of that! You have no choice, take the money or leave my son! Or else youre not gonna like kung anu ang kaya kong gawin! Don't dare me! At wag ka nang mag-pakaipokrita, dahil hindi bagay sayo!
E: (tangkang sasampalin si Enrico, ngunit sasalagin ito ng kamay na may panyo at parang nandidiring bibitawan iyon, at itatapon sa mukha ang panyo) Don't you dare put a single finger on me!Ang basurang tulad mo ay hindi nababagay sa mga katulad  naming, lalu na sa aking anak! (Kukuha ng bungkos ng salapi mula sa amerikanang suot at isasaboy iyon sa hilam ng luha na mukha ng dalaga) ADIOS!
K:( Titigan ang pera at isa-isa itong pupulutin, kasabay ng pagtulo ng luha) Patawarin mo ako Jorge!mahal kita pero hindi ko kaya ang pamilya mo! Lalo na ang hayop mung ama! Napakasama niya!
magsasara ang tabing


 

Tagpo IV
                Pagdating sa bahay ni Jorge
J: Kristine? May dala akong pasalubong! ( makikita si Kristine at yayakapin ito)
K: Aalis na  ako Jorge?
J: bakit? May nagawa ba akong mali? May problema ba?, may kasalanan ba ako? Anu? Kristine sumagot ka?
K: Wala!
J: Anung wala?, paanong wala? Pwede mo naman yatang ipaliwanag sa akin!
K: Bayad na ako!
J: hindi kita maintindihan, ipaliwanag mo sa akin, anu ba  talaga ang  problema?
K: Bayad na  ako, binayaran na ako ng papa mo! Para iwanan ka! Kaya aalis na ako!
J: Pero mahal mo ako? diba?, mahal kita  Kristine!
K: Pero hindi tayo mabubuhay ng pagmamahal lang, tama ang papa mo hindi ko kailangan magpaka-ipokrita!
J: Kristine, mahal na mahal kita at hindi ko kakayanin na mawawala ka sa akin! Lalayo tayo sa Papa! Sa hindi niya magugulo ang relasyon natin!
K: Kaya mo Jorge, dahil kaya ko at wala kang mapapala sa akin! Naibigay ko na sayo ang bagay na pinakaiingatan ko! Sana bumalik ka na sa pamilya mo! Paalam Jorge!
J: Kristine, sabihin mo nagbibiro ka lang! Sabihin mong mahal mo ako! Na mahal na mahal mo ako at nagbibiro ka lang!
K: Mahal kita, pero hindi ako nagbibiro! Paalam Jorge, kung anuman ang magiging bunga ng nangyari sa atin ay magiging isang masayang alaala na lang sa akin!(maglalakad ito palayo, pilit kinukubli ang luha sa mata)
J: Kristine! Kristine! (sigaw nito sa babaeng papalayo) Hayop ka papa! Napakasama mo talaga! Bakit kailangan lagi mo na lang kaming pakialaman!(Ibabato ang dalang pasalubong kay Kristine at magwawala ito sa kwarto)
                MAGSASARA ANG TABING

ANG PAMILYA (PART V and VI)

Tagpo V
                Sa sala, masinsinag nag-uusap sina Enrico at Carmen
C: Enrico, ano ka ba mas lalo kang mahihirapan sa ginagawa mong yan!
E: Alam ko ang ginagawa ko, Carmen
C: Sa palagay mo ba tama ang ginagawa mo ha! Di mo lamang pinapahirapan ang sarili mo. Pati ako at mas lalo na ang mga  anak mo!
E: mas nanaisin ko pa yun!
C: mas gugustuhin mo pang mas lalo kang kamuhian ng mga anak mo ha?
E: Oo, mas gusto ko pa yun kesa malaman nila akung ano ang totoong kalagayan ko!
C: at ako mas gusto mo pang isipin nila na sunud-sunuran ako sa iyo, napakahirap para sa akin nun Enrico!
E: Carmen mas mabuti nang hindi nila alam ang totoo, mamuhi na sila sa akin pero ginagawa ko lamang ito alang-alang sa kapakanan nila! Upang sa aking paglisan ay maayos ang buhay nila!
C: :Pero lalo lamang silang namumuhi sayo! Sa mga pakikialam mo, sa pagsasawalang bahala sa kanilang damdamin, hindi mo napapansin huli na pala ang lahat sa inaaakala mo! Hanggang kailan ka magmamatigas? Hanggang kalian ka magkukunwari? Hanggang saan ang mararating ng bawat desisyon mu?
E: Hindi ko alam kung hanggang kalian at saan pero alam ko tama lamang ito!
C: di ko na rin alam Enrico, sana nga maging maayos ang lahat!
E: Maraming salamat Carmen, napakabuti mong asawa, kaya mahal na mahal kita!(hahawakan ang pisngi nito)
C: Mahal din kita Enrico! Mahal na mahal at di ko alam kung kakayanin kong mawala ka sa akin! (hahawakan din nito ang pisngi ng asawa at magyayakap sila ng mahigpit)


 

TAGPO VI
                Makikita ang isang kama, nakahiga si Jakie na nababalutan lamang ng tapis katabi ang isang lalake at nasa aktong maghahalikan na sila ng bumukas ang pinto at
C: hesusmaryosep! Jacqueline? Patawarin ka ng Diyos!
Ja: Wala akong sinabing pumasok kayu mama, at mas lalong hindi ko sinabing bawal kumatok!
C: (Susugurin ang lalaki at pagbababayuin ito) Hayop ka! Lumayas ka dito! Layas! (nagmamadaling tatakbo ang lalaki bitbit ang pantalon at shirt nito)
Ja: Mama, tama na, kasalanan  nyu naman, Hayaan nyu na siya!(nanigarilyo ito, ngunit kukunin ni Carmen at ilalagay sa  asthray, sabay bigay ng mag-asawang sampal sa anak)
C: Hindi mo na iginalang ang tahanan ng iyong ama! Nasaan ang delikadesa mo ha!
Ja: Wala mama, wala ako nun! Nakakagulat diba na ang isang aspiring madre-mongha-sister-alagad ng Diyos na tulad ko ay nagpapakababoy! Nagpapakasira!
C: patawarin ka ng Diyos! Paanu mu nasasabi ang mga bagay na yan?
Ja: Mama, hindi na ako tatanggapin ng Diyos, kaya kay Satanas na lang ako, total ay sanay na rin naman ako! Impyerno dito, impyerno pa doon, Di hapi! (tatalikuran ang ina)
C: Paanu pag nalaman ito ng iyong Papa?
Ja: E di nalaman problema ba yun!  Bakit nyu ba ipinagdadamot ang kaligayahan ko ha, Mama, nang pinilit niyo akong mag-madre! Isinaalang-alang nyu bang damdamin ko!Kayo ni Papa, Hindi dahil ang alam niyo ay ang mga dahilan niyo, madamot kayo! Ang damot-damot niyu!
C: Jacqueline, patawarin mo ko pero hindi ko ginusto ang bagay na yun, ang papa mu ang may gusto! Anung magagawa ko?
Ja: Asawa niya kayo mama malaki ang magagawa niyu, pero kami mga anak niya lang kami! Na dapat ay sundin siya! Mama! Hanggang kailan mama? Kailan ka magigising? Hanggang kailan ka magiging sunod-sunuran? Asawa ka niya at hindi isang utusan! Nasaan ang silbi ng pagiging asawa dun?  Ang silbi ng pagiging ina? Wala mama! Wala!
C: Hindi totoo yan! Mahal ko ang papa niyo! At alam ko kung anu ang totoo kaya ko ginagawa ang  bagay na ito!
Ja: At kami hindi niyo kami mahal kaya hindi niyo kaming magawang ipaglaban, bigyan ng karapatan? Ng kalayaan? Ikaw lang ang nagmamahal mama!
C: Nasasabi mo lang yan dahil masama ang loob mo!
Ja: Hindi lang sama ng loob mama! Galit, nagagalit ako sa kanya! Patawarin niyo ako pero yun ang mararamdaman ko! Kaya ginagawa ko ang mga bagay na ito, at hindi ako natatakot malaman niya man to, mas gugustuhin ko pa nga yun! Mabuti pa ang Kuya, may lakas ng loob kahit papaanu na suwayin ang papa! E kayo kailan? Kami kailan?
C: Mahal kong anak! Bakit kayo nagkakaganito! Hindi ko magawang sisihin ang ama ninyo, dahil alam kong ginagawa niya lamang ang bagay na ito dahil alam niyang makabubuti ito! Pero bakit ganun?
Ja: Hindi niya  alam kung ano ang makabubuti, dahil ang alam niya lang ay ang pansarili niyang kalagayan! Iniisip niya ba n a sa bawat desisyong ginagawa niya sa buhay namin ay sinisira niya nang unti-unti ang buhay namin!
C: Anak ko!(Yayakapin ang anak at magsasara ng tabing)

ANG PAMILYA (PART VII)

Tagpo VII
Hihilahin papasok ni Enrico ang baklang anak na si Ricardo na masubsob sa sofa
R: Papa! Huwag po maawa po kayo sa akin!
E: Peste ka! Dito mo pa pinaiiral ang kabaklaan mo ha! Wala akong anak na bakla(Hahawakan ang kasuotan ng anak at pupunitin ito) at kahit kailan hindi ko matatanggap na may bakla  sa pamilya ko!
R: (Umiiyak at diretsong tititig sa ama) Sawa na akong magpanggap Papa, Pero hindi niyo lang alam kung bakit ako nagkakaganito! Hindi niyo lang alam!
E: At wala akong pakialam , anuman ang katarantaduhang dahilan yan!Dalawa lamang ang pamimilian mo titino ka o palalayasin kita sa pamamahay na ito nang magsama kayo ng suwail mong kapatid!
R: Ganyan naman kayo Papa, kahit noon pa, wala kayung pakialam dahil kahit kalian, hindi ninyo tinangkang pakialaman  o pinilit alamin kung ano nga ba ang nangyayari sa pamilyang ito!Kung anung gusto naming at kung anung ayaw namin!
E: Alam ko kung anung nangyayari dito, at lahat kayo ay walang karapatang diktahan o suwayin ako!
R: Maari ngang wala kaming karapatan, pero may damdamin kami na nasasaktan! Sobra na kayo Papa! Alam niyo ba kung anung dahilan ng kabaklaan ko ha?, dahil sa iyo, sa pesteng pamamalakad mo sa pamilyang ito!
E: Wala kang karapatang sumbatan ako, dahil bilang ama niyo ay ginagawa ko ang tungkulin ko! Pinapalamon ko kau, binibihisan, binigyan ng tirahan at pinag-aaral ngunit kayo pa ang mga walang utang na loob!
R: Hindi sapat yun Papa! Nasaan ang pagmamahal dun? Ang pag-aaruga? Ang kalayaan, naibigay niyo nga lahat pero hindi ang tatlong bagay na iyon, dahil sakim kayo Papa, iniisip niyo lamang ang sarili niyo wala kayong pinagkaiba sa mga lalakeng dumaan sa buhay ko! Sakim!
E:(Sasampalin ulit ang anak)
R:Sige papa! Saktan niyo pa ako! Mas mabuti ngang saktan niyo ako ng pisikal, kesa pati damdamin ko ay sinasaktan niyo! Bakla ako Papa! Emosyonal ngunit lahat nang yun ay dahil sa inyo! Sayo!, naghahanap ako ng kalinga ng isang ama, pero hindi nyu man lang nagawang iparamdam sa akin, sa amin! at saan ko natagpuan! Sa mga lalaking dumaan sa buhay ko, sa bawat sandali ng pag-uulayaw namin doon ko nararamdaman , pero pagkatapos nun? Wala? Hungkag uli ang damdamin ko, dahil ang kapalit nun ay pera, pera para sa kaunting oras ng kaligayahan, pera na nanggaling sa iyo! Ikaw na siyang dahilan kung bakit Ako, si kuya Jorge, at lahat kami dito ay nahihirapan at nasasaktan!
E: (Kuyom ang palad na nakatingin sa anak) Tumahimik ka Ricardo, wala kang alam!
R: Hindi Papa! Hindi niyo lang matanggap sa sarili niyo kung anu ang katotohanan! Pinipilit niyung magbulag-bulagan! (Tatakbong palabas ng bahay)
E: (Sunod-sunod ang pagbuntunghininga, kasabay ng tila pagpigil ng emosyon ay matatag pa rin ang ekspresyon)
MAGSASARA ANG TABING

ANG PAMILYA (PART VIII

TAGPO VIII
                Sa isang kwarto
F1: Jinumbag ka ng fader mo Bakla?! Ouch naman!
R: Anu fa ba? Ang sakit here, at mas masakit here(ituturo ang puso)
                Papasok si Rafael dala ang isang betadine at bulak
F2: (bubulong) Ayan na ang Fafa u, so delicious!
R: Tse! Manahimik ka! Mamaya marinig ka niyan!
F1: Girl, naku chance mu na yan! Kaya kami exit na us!
R: Isa ka pa! Loka! Jujumbagin ko kayo pareho!
F2: Aba ang bugbog saradong bakla, manjujumbag!
Ra: (lalapitan si Ricardo) Oi anu na friend, masakit pa rin ba? Kaw kasi eh, kung anu na nman yang ginawa mo! Sandali lang ha, kukuha lang ako nang yelo! Bantayan niyu yan!
F1 at F2: Yes! Fafa!
R: Ano ba kayo ha!
F1: Alam mo day, exit na us! Para masolo mo na yang Prince Charming mo, hinay hinay lang ha! Remember maga pa yang fez  mo!
                Tatayo na ang dalawang baklang kaibigan
Ra: O? saan na kayo pupunta! Hindi niyo ba sasamahan si Ricardo?
R: Ouch naman Rafael, Its Rica!
Ra: arte mo naman –pareho lang yun, Ricardo ka pa rin!
(magkakatinginan ang dalawang bading)
F1: Ah! Anu we gonna buy fruits for Rica!
F2: yeah, magbuy us ng fruits, para bumalik ung kutis niya, na najumbag ng fader niya!
F1: kaya babush na!,take care of Rica ha!
Ra: Sige bahala  kayo! Gagamutin ko lang mga pasa niya!
F1 at F2: Bye! Girl, Bye FAFA!
R: sige ingat na lang mga baklush!
Ra: Buti at nakarating ka dito sa bahay na ganyan ang itsura mo? Tingnan mo nga sarili mo para kang ni-rape!(tatawa)
R: Tse, pinagtatawanan mo pa ako, najumbag na nga akesh  e! It hurts here oh! Nasira pa ang fez ko!'
Ra: Sori na! pinapatawa lang naman kita e! alam mo naman na I care for you friend e!(kukuha ito ng yelo at ilalagay sa may pasang pisngi)
R: Here oh! (ituturo ang kabilang pisngi) masakit diyan, eto pa oh! Ouch! Sabay ituturo ang labi) here ang sakit din eh! Pwede mo bang i-kiss?
Ra: (madidiinan ang yelo sa pisngi nito) Ricardo, eh kung banatan kaya kita uli?
R: Eto naman hindi na mabiro! Joke lang yun! Sige na tuloy muna!
Ra: Anung balak mo ngayon?
R: Hindi ko alam Friend e, pero Do you really care for me?
Ra: of course naman. Ikaw yata ang dahilan kung bakit nagging kami ni angelyn ngayon! Saka your d best of ol d best! Friend!
R: do u love me?
Ra: anu ba naman klaseng tanung yan! Syempre mahal kita as kaibigan! Pang- world class ka yata!
R: (hahawakan ang kamay) Not that, do u love me more than that? Because I love you more than that!
Ra: (bibitawan ang kamay) ayokong masira ang Friendship natin! Mahal kita and I care for you as a friend and that is enough! Kung ineexpect mong mas higit pa doon hindi ko kayang suklian yun Ricardo, I love Angelyn so much, at hindi ko kayang mawala siya sa akin, the same thing na ayokong mawala ka sa akin! Maunawaan mo sana ako!
R: Yeah! Im sorry, I just cant hide it, I do understand you! Pero sana wag magbago ang pagtingin mo sa akin ! because I cant take it! Nag-iisa ka na lang na nagpaparamdam sa akin ng pagmamahal at pagkalinga!
Ra: Hindi mangyayari yun Friend, tinaggap kita kung anuman ang pagkatao mu! And til we grow old! You're my Friend!
R: Thanks, thank you so much! Can I touch your hands?
Ra: Sure
R: Will you please hug me, no malice!
Ra: ayan ha, pinayakap na kita!
R: Ulit, thanks salamat, Love you Friend kahit binasted mo ako!
Ra: Baduy ka kasing maligaw e!
                Sbay silang nagtawanan at magsasara ang tabing

ANG PAMILYA (PART IX)

Tagpo IX
                Malakas na sigaw ang maririnig
Ce: Kuya! Nagbalik ka!
J: Papa! Papa! Lumabas ka diyan!
Ce: Kuya natutulog ang Papa! Anu ba ang problema?
J: Papa! Napakahayop nyung talaga, lahat na lang sa buhay namin ay pinapakialam niyo! Lumabas kayo diyan!
Ce: Kuya, tama na! anu bang problema mo! Nagpapahinga ang papa!
J: Tumahimik ka Celine! Hanggan ba naman ngayon ay sunud-sunuran ka pa rin! Hindi pwedeng habang buhay kang ganyan! Papa! Lumabas ka diyan!
Ce: (tatahimik ito)
E: Nagbalik ka Suwail kong anak!
J: (Tangka nitong sugurin ang ama , Ngunit pipigilan ni Celine) Hayop ka papa! Bakit mo ginawa sa akin to ha! Wala kang kwentang ama!
E: Bitiwan mo siya Celine! Magawa niya kayang saktan  ang ama niya? (Bibitawan ni Celine0) sige ngayon saktan mo ako! Anu pang hinihintay mo!
J: (kuyom ang palad na tangkang sumugod sa ama, ngunit dadaanin na lang ito sa pagwawala)
Napakasama mo Papa! Bakit kailangan nyu pang idamay dito si Kristine? Bakit ginagwa niyo sa amin ito! Anu ba ang kasalanan namin! Kasalanan ko! Papa! Bakit?
E: Ang ipokritang mukhang pera ay nagsumbong na pala sa iyo, sinabi ko na sa inyo walang sinuman ang pwedeng magdikta o sumuway sa akin! Kahit na pinalayas ko kayo, ako pa rin ang mag-papaikot ng buhay niyo! Yan ang pakatandaan nyung lahat!
J: Wala kang kasingsama! Papa! Bakit niyu nagagawa sa amin to! Bakit?
E: Kung wala ka nang sasabihin pa, babalik na ako sa aking pamamahinga na inistorbo mo dahil lamang sa walang kwentang bagay! Siya nga pala Celine, ayusin mo ang mga kalat na yan! At ikaw suwail, kung gusto mo pang bumalik sa mabaho mong lungga ay gawin mo, pero Pinapangako ko sau hindi ka magiging maligaya dun!
                Maiiwan si Celine na yayakapin ang kapatid na patuloy sa pagtangis At magsasara nag tabing

ANG PAMILYA (PART X)

Tagpo X:
                Sabay na lalabas si Enrico at Carmen makikita si Jorge sa  sala:
C: Jorge, anak nagbalik ka!
E: What a good decision, Suwail kong anak! Welcome home!
J: Nagbalik ako mama! Pero I will make sure na hindi ikakatuwa ng papa ang pagbabalik ko and Yes! Thanks for welcoming me my dear father!
C: Iho, anu ka ba? Corazon, Corazon, magdala ka ng merienda dito sa sala!
E: talaga nga palang sinusubukan no ako Jorge, Let see kung hanggang saan ang makakaya mo! Nobody beats me! Lalu na Anak lang kita, nagmula ka lang sa semilya ko!
                Papasok si aling Corazon dala ang baso ng inumin at isa-isang iaabot ito sa kanila
J: (Titiim-bagang)
E:(Uupo at iinumin ang likidong nasa baso)
                Lalabas naman si Jackie na posturang-postura at makikita nito agad ang kapatid
C: Saan ka pupunta Jacqueline ha!
Ja: What a nice surprise, Youre here again! Welcome back to hell my dear brother and I feel tension na magkalapit kayo ni papa! (hahalikan ito sa pisngi) Bye big bro, see you later!
E: At saan ka pupunta Jacqueline ha?
Ja: Wow! Is this true my father is concerned to here his daughter is going! Another surprise at nakakapanibago! But its none of your business and I supposed hindi mo nman yata gugustuhing sumama!
E: (Sasampalin nito ang anak) Bastos! Yan ba ang dapat ay ugali ng isang dapat ay madre nang gaya mo!
Ja: (titingnan ng masama ang ama) Wala kayong pakialam! At saka pwede nyung ulitin ang sampal! kung hindi kayo nasiyahan, sa kabila naman para pantay!
Tangkang sasampalin uli ang anak
C: Enrico, tama na
J: Ituloy niyo papa! Saktan niyo pa si Jakie at ako ang makakalaban niyo
                Lalabas ang isang retarded
Ce: Michael, bumalik ka dito!
M: ( hindi ito papansinin paling-linga at walang anuman na uupo ito sahig, hindi pansin ang tension na nasa paligid)
E: Celine, ipasok mo sa kwarto niya si Michael!
J: Celine, hayaan mo dito si Michael!
Ce: (nalilitong titingin sa ama)
C: Celine, ipasok mo sa kanyang silid si Michael, hindi niya dapat naririnig ang mga bagay na nagaganap dito!
J: Hindi, hayaan mo lamang siya dito, nararapat lang na malaman ni Michael kung ano nga ba ang nangyayari dito!
C: Pero!
E: Ipasok mo siya Celine o ako (tangka nitong ipapasok si Michael nang lalapitan ito ni Jorge)
J: bakit, papa? Natatakot din ba kayo sa maaring sabihin ni Michael wag kaung mag-alala hindi siya nakapagsasalita, abnormal siya papa!
E: May diperensiya nga siya, wala ka bang konsiderasyon sa kapatid mo ha?
J: Kapatid Papa? Hindi namin siya kapatid! Anak mo siya sa ibang babae isang anak ng kasalanan!'
C: Iho!
J: Totoo naman diba mama! Pero kahit ganito si Michael , naiinggit ako sa kanya! Dahil hindi niya nararamdaman ang sakit na nadarama naming sa pamamalakad ng papa! Napakaswerte niya may sarili siyang mundo na malayo sa katotohanan ng nararanasan namin, but only if he became normal, I know his gonna hate his father for his cruelty , yan ang totoo na pilit niyong winawaksi mama! Hanggan kalian kaya mag-papaalipin sa papa ha mama?
C:  Hindi ako nagpapaalipin sa papa niyo, hindi nyu lang alam kung ano ang totoo maswerte nga Si Michael pero mas maswerte kayo kasi nararamdaman niyo how it was to be a son and daughter!
CE: Hindi mama? hindi ba pagpapakaalipin ang sundin lahat ng gusto ng papa, nang hindi man lang tinatanung kung anu ang nararamdaman namin, kung anung gusto namin kung anung ayaw, kung hindi yun pagpapakaalipin , anu pa ang tawag dun? Hindi ka lang alipin mama, isa ka na ring bulag, pipi, at bingi!
C: (lalapitan nag anak at sasampalin ito) How dare you! Talk to me like that, Ina  mo ako asaan ang paggalang mo!
Ce: OO, you're my mother, my slaved, martyr, disabled mother, Paggalang? Akala ko hindi nyu na alam kung anung ibig sabihin nun, dahil kahit kalian ay di niyu kami iginalang, what matters is your decision at ng napaka-uliran kong ama!
E: (titingnan lamang si Celine)
Ce: For all this time! Papa! Naging sunod-sunuran ako sa inyo! Wala kayong naririnig mula sa akin, look at Jakie, look at how miserable she was now, tingnan nu ako dapat ay nasa paaralan ako, pero anu? andito ako sa bahay nagpapakatanga na pagsilbihan kayo, tanga nga talaga ako, mahal ko ang pamilyang ito kaya ginagawa ko ito, pero walang saysay din ang lahat, dahil ang pamilyang ito ay sira na! buo tau in a sense,pero wala ang pagkalinga, pagkakaisa at pagmamahalan sa pamilyang ito!
C: (lumuluhang nakamasid sa anak)
Ja: yeah, tama nga si Celine, But I don't see myself as miserable, masaya ako better than you push me to live in that convent, pero dahil sa desisyon nyung yun, you sent me to hell,nagrebelde ako, ginawa ko ang lahat, I even tried to have sex with a priest there!thats why they sent me back here! Per anu wala pa ring pagbabago still the cruel father at sunod-sunurang ina! Kaya mas lao akong napasama I smoke, I drink liquor, I take drugs and  I have slept with many men young or old, and yes my dear father I even have sex sa tahanan mong ito! And mama knows that, and I just proved to it na duwag nga pala talaga si mama because she doesn't even care to tell you!
E:(kuyom ang palad)
Ja: Now you know papa! Are you going to hurt me again ha! Here slap me, do anything you want! Sawang sawa na ako, Im tired of covering things up, of following your orders, I hate this life, sana ay di na lamang ako nabuhay!
 Darating si Ricardo
R: Wow! Kompleto pala tayo! Sorry if I missed some of the scene! Nagpagaling muna  ang lola niyo E!( sabay halik sa ina, at tangka sanang magmano sa ama) Papa? Palalayasin mo ba ako dahil hindi ko sinunod ang gusto mo  na tumino ako, dont wori kaya lang naman ako umuwi para kunin ang mga gamit ko!
E: (wala pa ring kibo)
Ja: Kawawang Ricardo, naging bakla siya because he was desperately looking for love and affection of  a father that seems may not happen, na unluckily natagpuan niya sa mga lalaking nagdaan sa buhay niya, and once again that was because of you Papa, you push him to be like that, and there's no one to blame for what is happening in this family but you my dear father!
C: tama na wala na kayong ibang sinisisi kundi ang inyong ma, bakit hindi ninyo tingnan ang inyong mga sarili, kung anu ang mga mali din ninyo, kung anu ang mga kakulangan ninyo, bakit hindi niyo buksan ang inyong mga isipan ha? Hindi lahat ng bagay ay sinisisi niyu sa ama niyo1 hindi niyu man lang ba naisip kung ano ang dahilan niya para gawin niya nag mga bagay na ito sa inyo ha!
R: bakit mama? May iba pa ba kaming dapat sisihin, sinong sisisihin namin si aling Corazon?
                Papasok ang isang katulong para kunin ang mga baso pinag-inuman
Aling: ay sus Ginoo, bakit naman ako ay nakasali diyan? Magbalik na nga ako sa kusina!
R: O ang Diyos dahil binigyan niya kami ng isang napakadakilang ma! Nakaka-lurkei kayong lahat, sinisira nyu lang ang make-up ko! Nakakasawa ang buhay na to! (lalapitan ang ama) My dear papa ang bakla mong anak ay aalis, lilisan na sa malufet niyung pamamalakad, sana nman for the last time ay din a ninyo ako jumbagin, sinira niyu ang beauty ko! (lalapit sa ina) Saka nga pala mama, wag po kayong iiyak pag-umalis na ako, kasi ayoko ko po kayong nakikitang nag-kacrying lady eh! Kahit alam kong nasasaktan ko ang inyong damdamin!

J: Sigurado ka na ba talaga sa desisyong mung yan ha Tolz?
R: Of curs naman my dear brother, este Tolz, eto na ako, tutuloy ko na to, total din naman ay itatakwil na ako ni Papa, di gogogo na! saka di ako gagaya sayo no, lumayas ka na nga bumalik ka pa sa impyerno, di as lalo ka tuloy nasunog!
J: gago! Mag-iingat ka na lang Tolz ha, wag mung babuyin ang pagkatao mo ha! Sana makapag-isip ka pa akung anung dapat sa pagkatao mu!
R: cge tolz pero ngayon deal mo na ako sa pagiging bakla, hapi ako dito e, saka dito ko nahahanap ang sarili ko e!(Isa-isang lalapitanang mga kapatid)
R: Michael, buti ka pa! Hindi mo aniintindihan kung anu ang nangyayari! Buti ka pa hindi mo nararamdaman ang sakit! Love you tolz, kahit half lang tayong brother kasi ung half ko ay sister! Mag-iingat ka ha, mahal ka ni kuya! Kahit lam kong di mo ako nauunawaan!
C: Ricardo anak? Buo na ba talaga ang pasya mo ha!
R: Ma! Wag kayong umiyak, nasisira yang make-up niyo, ayan pati ang make-up ko nasira na tuloy!mahal ko po kau mama, kahit hindi niyo kaming magawang ipagtanggol kay papa!(lalapit sa ama)Papa wag niyo po sana akong jumbagin, kahit siansaktan niyo ako! Kahit hindi niyo aniparamdam sa akin, sa amin ang pagmamahal niyo! Hayaan nyu paong yakapin ko kayo!, kahit sa ganitong paraan ay mayakap ko man lang ang aking maa! Patawarin niyo poa ko, at kahit alam kong di nyu gagawing humingi ng tawad Pinapatawad ko na po kayo! Mahal na mahal ko po kayo papa! Sa kabila ng lahat!
J: bato na nag puso niyan Ricardo, gudluck na lang sayo, Bakit ba kasi may mga m,ang ganyan ha?
C: ganyan ba talaga kayo na katigas ang puso ha? Kung alam niyo lang sana! Enrico anu kaba  kailan ka?
E: Tumahimik ka Carmen, hayaan mo silang ilabas ang mga saloobin nila! (tatawagin si Ricardo) Ricardo anak, hindi mo kailangan gawin yan! Hindi kita pinapalayas!
R: Totoo ba ang narinig ko Papa?
E: Mga anak ko, mga mahal kong anak hindi niyu lang lam kong gaanu ako nasasakta sa bawat salitang punong-puno ng pait, hinanakit, galit at suklam mula sa inyong mga labi! Napakasakit para sa akin na marinig iyon! Lumaki ako na hindi ko nararanasan ang mga bagay na naibibigay ko sa inyo ngayon, ayokong danasin niyu ang kahirapang dinanas ko, ang kalupitan ng tadhana, lumaban ako at nagtagumpay sa buhay, at sinabi ko sa sarili ko na sa panahon magkapamilya ako, ay hindi daranasin ng mga nak ko ang dinanas ko! Pero dahil sa  pangakong iyon, hindi ko namamalayan, hindi ko na pala sainyo naipaparamdam ang pagmamahal, pagkalinga, pag-unawa at higit sa lahat di ko naibigay sa inyo ang kalayaan! Sinikil ko yun, dinomina ko ang buhay niyu, ginawa kong Diyos ang pagkatao ko, hindi ko alam unti-unti na pala akong nagiging demonyo sa paningin niyo ang inaakala kong langit ay impyerno na pala sa inyo! Ang akala kong makabubuti ay nakakasama sa inyo! Wala nga siguro akong kwentang ama! Pero mahal ko kayong lahat! Ikaw Jorge, Jakieline, celine, Ricardo at Michael kahit hindi mo ako nauunawaan, kahit naging bunga ka ng aking pagkakamali, mahal kita at siguro maswerte ka nga dahil hindi mo nagawang maramdaman kong anu ang hinagpis nila sa akin bilang ama niyu! At Carmen mahal na mahal kita napakabuti mong asawa!
M: Pa.....pa.....Pa..pa!!
E: Michael anak? Patawarin nyu akong lahat Patawad
C: tama na Enrico, hindi makabubuti yan say o!
E: Patawad Pamilya ko, mahal na mahal ko kaung lahat (dahan-dahan itong babagsak sa sahig)
C: Enrico…………………ooooo, anung nagyayari sayu?
J: papa? Papa?
R: papa…. Gumising ka papa!
J: Tumawag kayo ng doktor anu ba?
Ja: Papa!  Papa!
Ce: patawarin mo kami papa! Hindi namin alam! Papa!
J: Papa bakit kayo ganyan, wag nyu kaming iwan papa!
C: Enrico (Mga anak) Papa (maliban kay Michael)
                 At magsasara ang tabing!

ANG PAMILYA (The Ending)

ENDING
Nakaputi silang lahat at nakamsid sa larawan ng ama!
C: Patawarin mo ako Enrico, kung hindi ko man natupad ang panagako ko sa iyo, pero kailangan nilang malaman ang katotohan! Hindi habang panahon ay pwede nating ikubli iyon!
J: Ang damot niyo talaga papa! Bakit kailangan nyung gawin na magpaksama ng imahe sa amin, bakit hindi na lang natin ginawang masaya ang bawat sandaling nabubuhay kayo, bakit kailangan ang bawat sandaling iyon ay mapuno ng galit, ng hinanakit? Bakit kayo nagpanggap sa buong buhay niyo? Bakit?
C: Iho! Sana napatawad niyu na nag papa ninyo at maging ako! Ginawa niyang masama ang kanyang pagkatao sa inyong mga ank niya, para mamuhi kayo sa kanya, upang sa kanyang paglisan ay di niyu siya iiyakan, dahil mas gugustuhin niya pang nakikita kaung nagagalit sa kanya! Kes umiiyak kayo dahil minahal niyu siya!
J: selfish ang papa! Gusto niya siya lang ung nagmamahal ayaw niyang suklian yun!
Ja; Tama ka nga kuya! Pero naiintindihan ko kahit papaanu ang papa! Ganyan lang siguro siyang magmahal! Makasarili!
Ce: Kuya, mama, jakie halika kayo dito, tingnan niyo si Michael!
M: Pa....pa, mahal ko si Pa..pa!, ka...ka..yo  mahal ko!
C: anak! Anak ko, mahal na mahal ka din namin!
                Yayakapin nila si Michael
R: pwedeng sumali! Nakakainggit eh!
J: lagi ka na lang huli, saka machong-macho yata tayo ngayon ah!
R: Kuya naman, syempre fo a change napg-esep-esep ko na much better na eto!
Pero kuya ok nab a ang make-up ko! Light lang yan!
J: gago! Lika, pakinggan mo sasabihin ni Michael
R: Echos lang, eto naman, wow si bunso nagsasalita na sige nga michael!
M: Ku...ku..ya Ricardo Gwa...gwapo
R: maganda, loka anu ka ba?
Ce: (babatukan ito) Anu ka ba kung anu-anu yang tinuturo mo e!
R: pasensya lola ha! Nagjojoke lang!
J: Patawad papa! Napatawad ka na rin namin sana maligaya ka nasaan ka man! At lest weve learned a lesson!
R: I love! We love you Pa! kahit najumbag mo ako! Patawad papa!
Ce:patawad papa!
Ja: love you pa, kahit di tayo nagkasama ng masaya! Patawad po sa lahat!
C: Salamat sa Diyos! Salamat Enrico! Alam kong maligay aka sa kinalalagyan mo nagyon!
Lahat: I love you papa! Hug naman jan!

Papasok si Kristine

K: Pwede ba akong makijoin!

R: Sino ka!

Makikita ni Jorge si Kristine!

J: Kristine mahal ko! Nagbalik ka!

K: Hindi ko kayang mawala ka sa buhay ko Jorge! Mahal na mahl kita kahit pa hadlangan man tayo ng Papa mo, kaya lakas loob na aakong nagpunta dito!

J: Wala na siya Kristine!Pero napatawad na namin siya ng mhalaga ay nagbalik ka!

K: Mahal na mahal kita Jorge! Patawarin mo ako kung nasaktan kita!

J: walang anuman yun Kristine, ang mahalaga ay nandito ka na! Mahal na mahal din kita!

C: OHHHmmmm.....Anak baka naman gusto mo siyang ipakilalal sa amin!

J: ay pasensiya na po mama kala ko po kasi kami bida dito e!

R: Ganun!

J: Joke lang

Lahat: magtatawanan sila

WAKAS

Mga Pasaherong Pinoy sa Jeepney

(Halaw mula sa blog ni BINO sa DAMUHAN.com)

Uuwi ulit akong mag-isa.
Haay, salamat naman at uwian na. Kanina pa ako inip na inip umuwi, aba ang
hirap atang magpanggap na may ginagawa. Ang galing ko na ngang matulog ng
dilat eh, sakit nga lang sa ulo. Paalis na sana ako ng biglang nag-text yung
pinsan ko at hihintayin nya daw ako sa baba ng building para sabay na kaming
umuwi. Kaya hayun, nagsinungaling na naman akong kunwari ay may gagawin pa
ako para lang maiwasan sya.
Ewan ko ba, bakit ayokong may kasabay samantalang yung iba ay naghihintay o
di kaya ay may susunduin pa para lang may makasabay sa pag-uwi. Hindi naman
ako loner, basta lang gusto ko mag-isa akong umuuwi. Gusto ko wala akong
kakilalang kasakay sa jeep. Gusto ko mag-isa lang ako sa byahe.
Ano nga bang meron sa jeep? Ano nga bang nangyayari sa byahe ko pag-umuuwi
ako?
Madami. Iba-ibang klaseng tao. Iba-ibang klaseng komedya.

Case # 1: "Aray, ano ba?"
Madalas na dialogue ng mga babaeng feeling commercial model ng shampoo kung
ipatangay sa hangin ang buhok. Mga walang pakialam kahit na ang mga katabi
nila ay hirap na hirap na sa pag-iwas sa paghampas nito sa mukha nila. Kaya
ako kapag di na ako makapagpigil, hinihila ko na yung buhok, sabay sorry
kunwari akala ko buhok ko yun. At kapag sinusumpong ako, kinakalabit ko na
at sinasabihan kong hindi ako kumakain ng buhok.

Case # 2: "Blah, blah, blah...'
Mga taong feeling sila lang ang sakay na kung mag-usap ay dinig ng lahat ng
pasahero. Nakakaaliw sila minsan lalo na't mahaba ang byahe at walang radyo
yung jeep. Pampalipas oras din sila, minsan nga gusto ko ng sumabat dun sa
kwentuhan nila lalo na kapag nakaka-relate ako. Pero kapag inaantok ako at
di na makapagpigil, tinitingnan ko sila na parang gusto kong dukutin ang
lalamunan nila.

Case # 3: "Pakiabot lang po..."
Kapag napaupo ka ng medyo malapit-lapit sa driver, asahan mong magiging
taga-abot ka ng bayad. Ok lang sana yun eh, hwag ka lang makaka-tyempo ng
driver na may pagka-manyakis na nanadyang manghaplos ng kamay. O kaya naman
ng driver na parang di pa ata nakakaalam na uso na ang deodorant. O kaya
naman ng driver na mas malakas pang bumuga sa tambutso nya ang bunganga.
Syempre wala naman akong magawa kundi ang magtakip na lang ng ilong at
umurong agad kapag medyo lumuwang. At meron namang mga pasaherong sobrang
bait na hindi ka pa nakakapagsalita ay kinukuha na sa kamay mo ang bayad
mo. Meron din syempreng matatapang na kapag hindi mo nakuha agad yung bayad
nila ay medyo itataas ang boses at may kasama pang ismid. Hay naku, pwede ba
wala akong kumisyon sa pag-abot ng bayad nyo ha.

Case # 4: "Makikiusog nga..."
Para sa mga kung umupo ay kala mo pang-dalawang tao ang binayaran. May mga
babaeng kung umupo ay nakalihis, walang pakialam na yung katabi nya
kalahating pwet na lang ang nakaupo. Meron din mga lalaking kung makaupo ay
halos mangingimi kang tumingin sa kanya dahil sa laki ng pagkakabukaka.
Animo'y may kung anong pinoprotektahan sa pagitan ng kanyang mga hita. Kapag
ipit na ipit na ako, sinasabayan ko ang pag-preno ng mama sa pag-usog.
Pasensyahan na lang kung mapalakas.

Case # 5: "Ooozzz."
Wala namang masama kung matulog ka habang nasa byahe, pero sana iang walang
dantayan at basagan ng bao o di kaya ay matuluan ng panis nyang laway. Kapag
may katabi akong natutulog na, hinahayaan ko lang (syempre alangan namang
pigilan ko) at kapag babagsak na ung ulo nya sa 'kin, bigla kong ibinababa
balikat ko para magulantang sya. Pero kapag cute ibang usapan na yan.
Itinataas ko pa balikat ko para makahilig at ng makatulog sya ng maayos at
ok lang na magka-untugan kami, malay mo magpakilala pa sya, asa pa.

Case # 6: "Mama, para ho..."
May mga driver na di mo mapipigilang mapamura sa sobrang tagal bago huminto
na halos kailanganin mo ng sumakay pabalik sa layo ng pinagbabaan sa 'yo.
Meron namang hihinto kahit na sa gitna ng kalsada mabawasan lang agad ang
sakay nya. At meron ding halos mahalikan mo na yung katabi o kung
minalas-malas ka ay mahuhulog ka pa dahil sa biglang pagpreno nya. May mga
pasahero namang hindi pa nakuntento sa pagkalakas-lakas na pagsabi ng para
at kumakatok pa sa bubong. Merong namang magbabayad kapag pababa na at may
gana pang magalit kapag hindi agad naihinto ang sasakyan. At syempre merong
mga nagmamadaling akala mo ay mauubusan ng lupa kung bumaba, kasehodang
mabunggo at matapakan nyang lahat ng daraanan nya. Pero pamatay pa ring yung
minsang may nakasakay akong mama na pagkalakas-lakas at paulit-ulit na
sumisigaw ng "Bayad ho, bayad ho, bayad ho..." Syempre yung driver, kuntodo
extend ng kamay nya. Nakatingin na lahat dun sa mama na kumakatok-katok pa
sa bubong ng jeep. Sabay naalala nyang "Para" pala ang dapat nyang
isinisigaw. Nyahaha...

Case # 7: "Love birds..."
Syempre pa, hindi mawawala ang mga mag-syotang kala mo may sariling mundo na
kung maglampungan ay parang mga pusang di mapakali. Libreng sine 'to, rated
18, kaya lang nakakabitin din lalo na kapag nauna kang bumaba sa kanila.
Meron tuloy mga lalaking 'nag-iinit' at biglang bibitaw ang kamay sa
pagkakahawak sa bakal para kunwari mapapasubsob sa katabi nila o kaya naman
bigla mong mararamdaman na yung siko nila nasa tagiliran mo na. Sarap
sampalin ng mga ganung lalaki. Di naman sa nakikialam ako, pero wala namang
inggitan...

Case # 8: "Estudyante blues..."
Maraming estudyante na nagbabasa ng libro sa loob ng jeep habang nasa
biyahe. yung iba sa sobrang ganda ng binabasa ay nadadala sa kwento..'Yung
nakasakay ko minsan na dalagita ay taimtim na nagbabasa ng "Noli Me
Tangere". Hindi nya napansin na malapit na syang pumara at sa gulat na
bababa na pala siya ay mahinhing sinabi sa driver "Paalam".

Case #9..."Mama, ba-bye...."
Minsan naman may nakasakay ako, 2 magkaibigan na walang ginawa kungdi
magkwentuhan ng mga katatawan. Nakakaaliw silang pagmasdan lalo pa't halos
magkanda-luha-luha na ang kanilang mata sa kakatawa. At ng oras na para
bumaba ang isa sa kanila...narinig ko ang sabi niya na habang natatawa parin
.."teka muna bababa nako sige babay" sabay sigaw sa
driver...."Mama....ba-bye!"


Hay naku, ilan lang yan sa mga nararanasan ko kapag umuuwi ako. Dami pa kong
kwento kaya lang uwian na eh.
Magbi-byahe pa ako.
Sasakay na ako ng jeep.
Uuwi ulit akong mag-isa.